Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Binabati ni Alan Tudge ang Filipino community ngayong Araw ng Kalayaan

Kasabay ng pagdiriwang ng 120th Araw ng Kalayaan ng mga Pilipino, binabati ni MP Minister for Citizenship and Multicultural Affairs Alan Tudge ang komunidad gamit ang isang sulat.

Minister for Citizenship and Multicultural Affairs Alan Tudge

Mr Tudge extends his best wishes to the Filipino community of their Independence Day. Source: Minister for Citizenship and Multicultural Affairs

“To all Filipino Australians celebrating this day, I offer you my warmest greetings for a wonderful celebration."

Sa isang liham, isinulat ni Mr Tudge na bago pa man nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Espanya noong 1898, nag-umpisa na ang migrasyon ng mga Pilipino papuntang Australya, at may kalakalan na sa pagitan ng dalawang bansa. Nakasaad sa sulat na maliban sa kalakalan ng asukal at kape noong 1800s, dumating din ang mga Pilipinong mandaragat sa Australya upang magtrabaho bilang pearl divers noong 1870s.

Kinikilala rin ni Mr Tudge ang komunidad ng mga Pilipino bilang isa sa mga lumalaking grupong migrante sa Australya. Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing bansa na pinagkukuhanan ng Australya ng permanent skilled migrants. 

Ayon kay Mr Tudge, “Filipino Australians continue to make a valuable contribution to our nation’s social, economic and cultural life.”

 

BASAHIN DIN


1 min read

Published

Updated

By Nikki Alfonso-Gregorio




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now