Nag-isyu ang Pilipinas ng panibagong deportation order noong Huwebes para sa Australyanong madre, na ginalit umano si Pangulong Rodrigo Duterte, habang ang kanyang abogado ay nangakong harangan ang pagpapaalis sa kanya.
Si Sr Patricia Fox, 71, ay inakusahang ilegal na nakikilahok sa political activism habang ang pamahalaan ay mahigpit na sinusupil ang anumang pambabatikos ng mga dayuhan sa bansa.
"We find Fox Patricia Anne, Australian national, in violation of the limitations and conditions of [the Philippines immigration law] and order her deportation to Australia," ayon sa government order na ipinakita ng kanyang mga abogado sa AFP.
Suportado ni Duterte ang pagpapaalis kay Fox. Noong Abril, inutos niya ang pag-aresto sa madre at kamakailan inihayag niya na gusto siyang paimbestigahan dahil sa "disorderly conduct."
Si Fox, na naninirahan sa Pilipinas simula pa noong 1990, ay nakuhang galitin ang pangulo matapos niyang lumahok sa isang fact-finding mission noong Abril upang imbestigahan ang mga pinaghihinalaang pang-aabuso sa mga magsasaka - kabilang ang mga pagpatay at pagpapaalis ng mga sundalo sa mga nanlalaban na gerilya.

Supporters of Australian Roman Catholic nun Sister Patricia Fox rally outside the Justice Department in Manila, Philippines. Source: AAP
Noong nakaraang buwan, naipatigil ang pagpapaalis sa kanya nang inihayag ni justice secretary Menardo Guevarra na ang mga awtoridad ng imigrasyon ay di sumunod sa mga patakaran upang siya ay patalsikin sa bansa.
Ang desisyon ay nagbigay-daan upang mabigyan siya ng reprieve ngunit ipinagutos din ni Guevarra sa mga awtoridad ng imigrasyon na dinggin ang kaso hinggil sa pagkansela ng kanyang bisa pati na rin ang nakabinbin na pagdinig sa pagpapaalis sa kanya.
Ang bagong order na inisyu noong Huwebes ay nagbabawal sa kanya na bumalik sa Pilipinas. Hindi binalikan ng tagapagsalita ng immigration office ang AFP para sa isang komento.
Sinabi ng mga abugado ni Fox sa AFP na nagpaplano sila magsumite ng apela sa mga susunod na araw.
"Under the [immigration service] rules, if we file the order is not executory. And we will file an appeal," sabi ng abugado na si Jobert Pahilga.
"Very sad, but hopefully I can challenge it still," sinabi ng isang madre sa isang text message sa AFP.
Si Duterte, 73, ay naglunsad din ng malawakang aksyon para masupil ang ilegal na droga sa bansa at binabatikos niya ang kanyang mga kritiko sa human rights, lalo na ang mga dayuhan na sinasabing nakikialam sa kanyang bansa.
"Don't let her in because that nun has a shameless mouth," sabi ni Duterte noong Abril, habang inaakusahan niya ang misyonaryo ng Sisters of Our Lady of Sion ng "disorderly conduct".
Itinatanggi ni Fox na siya ay nakikialam sa pulitika at sinasabing ang kanyang mga aksyon ay bahagi ng kanyang trabaho upang itaguyod ang katarungan at kapayapaan.
BASAHIN DIN: