Mga Pinoy na empleyado ng nail salon sa Adelaide pinagsamantalahan ng kanilang employer

Mga Pinoy nail technicians sa isang salon sa Adelaide, di nababayaran ng tama ng kanilang employer.

Nail grooming in beauty salon

Source: Getty Images

Ang nail salon operator ay pinagmulta ng $130,000 matapos umano pagsamantalahan ang dalawang empleyadong Pinoy at gumawa ng mga tiwaling rekord sa pagtatangkang ikubli ang di pagbabayad ng tama sa kanilang mga empleyado. 

Si Minh Gia Le, dating operator ng nail salon sa Colobbades Shopping Centre sa Noarlunga Center ay pinagmulta ng $30,000 at ang kanyang kumpanya na House of Polish Central pty Ltd, na kasalukuyang nagpapatakbo ng salon ay pinagmulta din ng karagdagang $100,000, sa Federal Circuit Court. 

Ang mga nasabing multa ay resulta ng legal na aksyon ng Fair Work Ombudsman. 

Ang mga empleyado ng nail salon, na nasa edad 20 at 21, noong panahong iyon, ay parehong migranteng Pilipino, na diumanoy hindi nabayaran ng tama simula Nobyembere 2014 hanggang Marso 2016, na nagkakahalaga ng $53,021 sa kabuuan. 

Ang nail salon at ang operator nito ay umaming hindi sila nagbabayad ng tama. 

Ang pagsisiyasat ng mga inspektor ng Fair Work ay isinagawa matapos humingi ng tulong ang isa sa mga empleyado.
Napag-alaman ng mga inspektor ng Fair Work na ang mga technician ng nail salon ay binabayaran ng $12 kada oras, bagama't sila ay nararapat sa $18.97 to $19.44 sa normal na oras at penalty rates mula $23.71 hanggang $33.88 kapag Sabado at Linggo, batay sa Hair and Beauty Industry Award 2010 noong panahong iyon.
Ang kakulangan sa bayad ng mga nail salon technicians ay umabot sa $35,680 at $17,339, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga empleyado ay nakakuha ng kabuuuan ng kanilang back pay noong 2016. 

Sinabi ni Le sa korte na ang paniwala niya ay mga apprentice ang mga nasabing empleyado subalit mariing itinaggi ni Judge Stuart Brown ang sinabi nito. 

Sinabi ni Judge Brown na alam ni Le ang kanyang mga responsibilidad nang ipaalam sa kanya ng Fair Work Ombudsman ang kanyang mga obligasyon sa ilalim ng nasabing Award. 

Noong 2015, isang Letter of Caution ang na-isyu ng Fair Work Ombudsman kay Le matapos ma-audit ang salon at naibunyag na may empleyadong hindi nabayaran nang tama na may halagang $2800.

“In my view, this offending was not inadvertent, particularly given the previous involvement of the FWO with the business,” sabi ni Judge Brown.

Sinabi ni Judge Brown na ang underpayment ay "very significant sum" na kumakatawan sa pagitan ng 30 at 45 na porsyento ng entitlements ng dalawang empleyado, na sinasabing sila ay "vulnerable" dahil sila ay nagmula sa non-English speaking background. 

Ang nail salon at ang operator nito ay lumabag sa pay slip laws at workplace laws sa pamamagitan ng sadyang pagbibigay ng ng mga di tamang rekord sa panahon ng pagsisiyasat. 

Sinabi ni Le na nawala ang ilang mga rekord dahilan sa isang "cyber attack" at gumawa siya ng panibagong mga rekord sa pagsisikap na tulungan ang Fair Work Ombudsman at upang matugunan nito ang Notice to Produce na ibinigay ng mga inspektor. 

Gayunpaman, natuklasan ni Judge Brown na ang mga false records na ginawa ni Le bilang pagtugon sa mga abiso ay "elaborate sham"  na lubos na pabor sa kanya sa pamamagitan ng maling pagreport ng oras na tinrabaho ng mga empleyado, na nagpamukhang binabayaran umano nito ang mga empleyado ng mas mataas na halaga. 

Dagdag pa ng judge, na ang mga ginawa ni Le ay sadyang may motibo ng pandaraya. 

 “Mr Le’s intent was, more likely than not to deceive [the Fair Work inspector] on the basis that he considered it highly improbable that he could be found out.”

Ayon kay Judge Brown, ang mga rekord ng oras na naitabi ng mga empleyado ay naging mahalaga sa pagpapatunay ng di pagbabayad ng tama. 

Naatasan din si Le na magrehistro sa My Account service at kumpletuhin ang mga kurso para sa mga employer sa isang Online Learning Centre, bukod sa pagmumultang naipataw sa kanya. 

Sinabi ni Fair Work Ombudsman Natalie James na ang naging resulta ng kaso ay nagdadala ng mensahe na ang sadyang pananamantala sa mga empleyado at pagbibigay ng maling rekord ay "serious contraventions" na may malaking kaparusahan. 

“The Fair Work Ombudsman had no hesitation in taking this matter to Court given the blatant exploitation and deceitful way in which employers engaged with Fair Work inspectors,” sabi ni Ms James.

“There is a group of employers in Australia who still need to get the message that it is not OK to pay migrant workers a ‘going rate’ that undercuts lawful minimum pay rates.

“This case reinforces what all reputable business operators know: the lawful obligations to pay minimum rates apply to all employees in Australia, including migrant workers, and they are not negotiable.”

Ikaw ba ay underpaid?

Kung sa tingin mo ikaw ay underpaid, narito ang ilang mahahalagang impormasyon mula sa Fair Work Ombudman website.

Ang Pay Calculator ay makakatulong sa pag-compute ng base pay rates, allowances at penalty rates (pati na rin  overtime)

 

BASAHIN DIN:


 


Share

Published

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand