Limang nakagawa ng balita ngayong 2018 sa komunidad Pilipino-Australyano

Mula sa alitan sa basketbol na nauwi sa mabibigat na parusa, dalawang kaso ng deportasyon na kinabibilangan ng isang ina at madre hanggang sa pagkapanalo ng korona sa pinakakilalang patimpalak sa kagandahan sa buong kalawakan – tunay na naapektuhan ng 2018 ang Pilipinas at Australya sa paraang hindi pa nangyayari noon.

2018 Newsmakers Philippines-Australia

2018 Newsmakers Philippines-Australia Source: Collage by SBS Filipino

Inilista ng SBS Filipino ang lima sa pinakamalaking nakagawa ng balita sa taong ito sa komunidad Pilipino-Australyano.

1. Pilipino-Australyana Catriona Gray, kinoronahang Ms Universe 2018

Ito ay panalo na kinatuwa at kinagulat ng lahat. Si Catriona Gray, isang napakagandang dalawampu’t apat na taong gulang na ipinanganak at pinalaki sa Cairns, mula sa isang ‘Scottish-born’ na Australyanong ama at Pilipinang ina, ay natalo ang siyamnapu’t tatlong mga bansa para iuwi ang ikaapat na korona ng Ms Universe sa Pilipinas.



Ang pinanggalingan ni Gray ang naging paksa ng diskusyon sa ‘social media’ matapos na ang ‘Courier Mail’, isang tabloid mula Brisbane, ay nakakuha ng mga pagsalungat mula sa mga Pilipinong tagahanga ng ‘beauty pageants’ matapos itong maglathala ng ‘front-page’ na istorya na binigyang pagkilala ang pagkapanalo ni Gray ngunit inekisan ang salitang ‘Philippines’ at pinalitan ng ‘Queensland’.

Ang totoo ay si Gray ay isang Pilipino-Australyano ngunit sa laban na iyon, siya ay nakipaglaban para sa bansang Pilipinas.

2. Pagbabalik ni Sr Patricia Fox sa Melbourne matapos ang kanyang naging paghihirap sa Pilipinas

Naging bahagi si Sr Patricia Fox sa pandaigdigang mga ulo ng balita, matapos siyang maaresto ng walang ‘warrant’ noong nakaraang Abril at iniutos na paalisin sa bansa. Nangyari ito matapos na ang pamahalaan ng Pilipinas ay inakusahan siyang nakikisama sa politikal na aktibidad na pinaghihiwalay ang bansa. Simula noon, si Sr Patricia Fox ay naging bahagi ng paghihirap kung saan dinala siya kasama ng kanyang mga ‘legal counsel’ sa paggamit ng lahat ng legal na aksyon para hamunin ang pagbawi sa kanyang ‘missionary visa’. Ngunit sa huli, puwersahan pa rin siyang pinaalis sa bansa.
Catholic Nun Patricia Fox arriving at Melbourne airport after her deportation from the Phillipines.
Catholic Nun Patricia Fox arriving at Melbourne airport after her deportation from the Phillipines. Source: AAP
‘Hero’s welcome’ ang kanyang natanggap sa pagdating niya sa Melbourne noong ika-apat ng Nobyembre. Sa kasalukuyan, siya ay inimbitahan na magsalita sa iba’t ibang lugar upang talakayin ang karapatang-pantao at kanyang karanasan sa kanyang naging misyonaryong gawain.

Sa pinakahuling panayam ng SBS Filipino sa kanya, nagsabi si Sr Fox na patuloy pa rin ang kanyang apila na bumalik sa Pilipinas. Ayon sa Katolikong misyonaryo, “My body’s here but my heart is still in the Philippines at this stage.”

3. Ang pakikiusap ni Bernadette Romulo na manatili sa Australya para sa kanyang anak

“I have raised him for 8 years and I love him more than words could say. Please, I’m begging Minister Peter Dutton to let me and my son stay together. Please, don’t take my son away from me,”  ito ang naging petisyon ni Romulo sa ‘online’ na nakakuha ng tatlumpu’t anim na libong pirma at suporta ng senador mula Greens, bago siya at ang kanyang dalawang anak ay pinal na inutusan (matapos ang ilang mga pagkansela) na lisanin na ang bansa noong ika-labing-isa ng Hulyo.

Nasa Australya na si Romulo kasama ang dalawang anak na babae mula sa kanyang nabigong unang pagpapakasal ng kanyang isilang ang bunso niyang anak sa bago niya noong karelasyon. Matapos na sila rin ay maghiwalay, siya ang naging pangunahing tagapag-alaga ng bata.
Bernadette and Giro
Source: SBS
Nag-aplay siya ng ‘permanent residency’ sa dating kilalang Department of Immigration and Border Protection (DIBP) (ngayo’y Department of Home Affairs) ngunit sila’y tinanggihan. Sunod siyang umapila para sa ‘ministerial intervention’ ngunit ito’y hinindian din noong Disyembre 2017.

Si Romulo na ginamit ang lahat ng paraang legal para manatili sa Australya, ay napagdesisyunang maglunsad ng petisyon sa ‘online’, na nanawagan sa Ministro ng Home Affairs na makialam. Ngunit kahit na ang petisyong ito ay malayo ang narating, iniutos pa rin na paalisin na sa bansa si Romulo at iwanan ang kanyang walong taong gulang na anak.

4. Gulo sa basketbol sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers

Noong FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang Hulyo, ang mga tagahanga ng basketbol ay naging dismayado sa nasaksihang kaguluhan na kinabibilangan ng mga manlalaro, ‘coaches’ at mga tagahanga mula sa kampo ng Gilas at Boomers.

Nagsimula ang tensyon noong mga huling minuto ng ikatlong kwarter, ng si Roger Pogoy ng Gilas Pilipinas ay siniko si Chris Goulding ng Boomers. Ito ay nag-udyok kay Daniel Kickert na maghiganti kay Pogoy na nagsimula ng mainit na kaguluhan.
A brawl between Philippine basketballers and the Boomers.
An ugly brawl has erupted at the Boomers' World Cup qualifier with the the Philippines. (AAP) Source: AAP Image/AP
Ang Pilipinas at Australya ay nag-isyu ng paumanhin ilang mga araw matapos ang insidente kung saan ang dating ‘coach’ ng Gilas, Vincent Reyes ay nagsabi: “I mean basketball is an emotional game; Gilas by nature is an emotional team. We stand by what we did and at the same time, we’re apologetic and we regret it.”

Nagpataw ang International Basketball Federation (FIBA) ng mabibigat na sanksyon sa dalawang kupunan. Ngunit ang Boomers ay na-clear sa alegasyon ng ‘racism’.

5. Pag-abot ng tulong ng Australya sa Pilipinas matapos ang paghasik ng bagyong ‘Mangkhut’

Rescuers continue to work during rescue and retrieval operation for landslide victims caused by Typhoon Mangkhut in Ucab village, Itogon town
Rescuers continue to work during rescue and retrieval operation for landslide victims caused by Typhoon Mangkhut in Ucab village, Itogon town Source: AAP
Nangako ang Ministro sa Ugnayang-panlabas ng Australya, Marisa Payne, ng walong daang libong dolyar na pangmakataong tulong at suplay sa Pilipinas matapos nitong maranasan ang hagupit ng napakalakas na bagyong si ‘Mangkhut’ (na kilala sa Pilipinas na Ompong) noong Sityembre.

Bukod sa tulong na inihatid sa dalawampu’t limang libong katao na nasa hilagang rehiyon sa Pilipinas, ang mga pangmakataong eksperto ay pinadala sa Pilipinas para magbigay tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

 


Share

Published

Updated

By SBS Filipino
Presented by Cybelle Diones
Source: SBS

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand