Pagpapanatiling mabuti ang katawan sa lugar ng trabaho ngayong taglamig

Habang nagsimula ang taglamig sa isang panahon ng mabangis na trangkaso, mahalaga na manatiling malakas. Dapat magtulungan ang mga lugar ng trabaho at empleyado patungo sa mas aktibong papel ng pamamahala ng mga araw na may nagkakasakit.

A man coughing

A man coughing Source: Getty Images

Ang mga Australyano na nagtatrabaho kahit na may sakit ay mas maaring mapahamak, hindi produktibo, nanganganib na maipasa ang sakit sa ibang empleyado at mas nagkakamali. Upang mapantili ang isang kapaligiran na iwas sa trangkaso, narito ang mga payo ng kompanyang  Waterlogic Australia tungkol sa pagpapanatiling mabuti ang kalusugan sa lugar ng trabaho lalo na ngayong panahon ng taglamig.

Mga payo upang maging malakas ang katawan ngayong taglamig

Manatiling hydrated

Manatiling hydrated di lamang sa panahon ng tag-init pati na rin sa panahon ng taglamig.

Someone holding a glass of water
(AAP) Source: AAP


 Kausapin ang iyong GP tungkol sa pagkakaroon ng flu shot

Maaring makapagrekomenda ang iyong GP ng mabuting panahon upang magpabakuna base sa iyong indibidwal na sirkumstansya. Sa kabuuan, ang pagbabakuna ay mabuti sa kahit anong panahon kaysa sa wala.

A member of the public receives a flu shot
Sanofi will bring 400,000 flu vaccines to Australia over coming weeks to meet unprecedented demand. (AAP) Source: AAP


Kumain ng limang klase ng prutas at gulay kada araw

Ang mga gulay at prutas ay naglalaman ng mga phytochemical o plant chemicals. Ang mga aktibong substansyang ito ay makakatulong na protektahan ka sa ilang mga sakit.
fruit and vegetable
fruit and vegetable Source: Fruit and veg Flickr/Olearys (CC BY 2.0)

Igalaw ang katawan

Ang ehersisyo ay naglalabas ng 'feel-good at de-stress' na mga kemikal mula sa utak, nagbibigay ng pahinga mula sa pang-araw araw na gawain at nakakatulong laban sa depresyon. Ang pag-ehersisyo sa taglamig ay magbibigay ng mas maraming benepisyo laban sa mga ehersisyong nagawa sa taon dahil sinasagot nito ang mga pangangailangan ng katawan sa panahon ng taglamig.

Image

Takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing

Ang pagtakip ng bunganga sa tuwing umuubo o bumabahing ay mahalaga dahil pumipigil ito sa pagkalat ng mikrobyo.

Cough and sneeze etiquette
Cough and sneeze etiquette Source: Arthur Mebius is licensed under CC BY-NC-ND 4.0


Laging hugasan ang iyong mga kamay

Ang pagpapanatili na malinis ang kamay ay isa sa mga pinakamahalagang hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang sakit at pagkalat ng mikrobyo sa iba. Maraming mga sakit at kondisyon ang kumakalat dahil sa hindi paghugas ng kamay ng sabon at malinis na tubig.
Wash hands with soap
Global Hand washing Day 2018 Source: Pixabay
Habang kalahati (51%) ng mga Australyano ang nagkakasakit halos dalawang beses kada taon, dapat siguraduhin ng mga taga-empleyo na ligtas ang lugar ng trabaho para sa mga empleyado.

Mga payo upang mapanatiling malakas ang mga manggagawa

Maglagay ng mga hand sanitiser at anti-bacterial wipes

Ang malinis na lugar trabaho ay mahalaga upang mapanatiling ligtas ang staff laban sa mikrobyo at ang paghuhugas ay hindi sapat upang patayin ito. Ang paggamit ng mga hand sanitiser o anti-bacterial wipe ay mahalaga sa pag-iwas na kumalat ang mga mikrobyo.

Image

Maglagay ng mga water dispenser upang manatiling hydrated ang mga tao

Di lamang mahalaga ang malinis na tubig sa pagpapanatiling hydrated ang mga manggagawa habang nasa trabaho, ang maduming tubig ay may mga masamang epekto sa kalusugan na maaring makaapekto sa pagiging produktibo ng isang manggagawa.
Drinking Water
Source: Getty Images

Gamitin ang pagbabahagi ng trabaho

Ang mga empleyadong nakakaranas ng balanse sa trabaho at buhay ay hindi gaanong pagod at mas epektibong makakapagbahagi ng kaalaman kapag nagtatrabaho.
Different generations working together
Different generations working together Source: Getty

Bawasan ang bayaning mentalidad

Itigil ang mentalidad ng pagiging martir pagdating sa trabaho. Ito ay makakadagdag sa stress sa trabaho at bahay. Ang manggagawang labis ang pagod ay maaring magkasakit.
Worker finishing work
Employees of Dai-ichi Life Insurance Co. get ready to leave their office in Tokyo at 3 p.m. on Feb. 24, 2017, Source: AAP

Pauwiin ang mga may sakit

Ang mga empleyadong pumapasok ng may sakit ay nasa panganib ng pagkalat ng sakit o trangkaso na maaring makaapekto sa pagtakbo ng isang departamento o operasyon. Ang pagkakaroon ng positibong palibot ay nangngahulugang dapat ipaabot ng mga taga-empleyo sa mga empleyado na kung sila ay may sakit, okay lang manatili sa bahay.
What goes up must come down, and that includes the protection the flu vaccine offers against influenza.
What goes up must come down, and that includes the protection the flu vaccine offers against influenza. Source: Irina Bg/Shutterstock

Payagan magtrabaho ang mga tao mula sa kanilang bahay

Ang pagtatrabaho mula sa bahay ay may benepisyo sa parehong partido. Ang pananatili sa opisina ay nakakapagod at maaring makaapekto sa kalidad ng trabaho ng isang empleyado. Ang kahit anong oportunidad na mabawasan ang stress ay hindi lamang nakakabuti para sa empleyado kundi pati na rin sa taga-empleyo.
Kufanyia kazi nyumbani
Makampuni yawaruhusu wafanyakazi kufanyia kazi nyumbani, kuzuia usambaaji wa coronavirus. Source: Getty
BASAHIN DIN:

Share

3 min read

Published

Updated

By Claudette Centeno-Calixto




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand