Hindi na kailangang magbayad ng aabot sa $3000 sa mga kursong hospitality, pagtutubero, pagkakarpintero o bricklaying ang mga gustong maging tradie sa NSW.
Sa Martes iaanunsyo ang $285 milyon na plano na pondo para sa 100,000 na apprenticeships sa NSW budget.
"We want to grow the number of apprentices. We need more tradies," saad ni NSW Deputy Premier John Barilaro sa Radyo ABC nung Lunes.
"We want to make sure we take away any impediment."
Ang plano ay sinang-ayunan ng NSW Business Chamber dahil naniniwala ang grupo na makakatulong ito sa mga may-ari ng negosyo na naghahanap ng mga bagong empleyado.
Inaashan ni Chief executive Stephen Cartwright na mapapabuti nito ang skills gap na sinabi niyang laganap sa regional NSW.
"Getting young Australians into an apprenticeship and building a quality workforce is fundamental to future economic and social prosperity," sulat niya.
Ayon kay Treasurer Dominic Perrottet, ang ekonomiya ay "humming"at gusto niyang siguraduhing "we are equipping a workforce with the skills to meet future demand" gamit ang programa ng pamahalaan sa pagtatayo ng imprastraktura.
BASAHIN DIN