Inanunsyo ng Telstra nsa magtatanggal sila ng 8,000 trabaho upang makatipid. Damay dito ang isa sa apat na ehekutibong posisyon pati na rin ang middle-management.
Sinaad ng telco noong Miyerkoles na ninanais nitong magdagdag pa ng $1 bilyong pagbabawas pagdating ng 2022. Kung mangyari ito, ang kabuuan ng pagbabawas ay aabot ng $2.5 bilyon.
Dinepensahan ni Telstra CEO Andrew Penn ang pagtatanggal ng mga empleyado. Sinabi niya na "creating a new Telstra" ay maaring magresulta sa isang competitive na telecommunications market.
"In the future, our workforce will be a smaller, knowledge-based one with a structure and way of working that is agile enough to deal with rapid change. This means that some roles will no longer be required, some will change and there will also be new ones created,” sulat ni Mr Penn sa isang share market note.
"We understand the impact this will have on our employees and once we make decisions on specific changes, we are committed to talking to impacted staff first and ensuring we support them through this period."
Ang pagbabago ay bumubuo sa isang tatlong-taong plano kung saan papalitan ni Mr Penn ang takbo ng mga produkto sa telecommunications sa Australya.
"The rate and pace of change in our industry is increasingly driven by technological innovation and competition. In this environment, traditional companies that do not respond are most at risk," saad niya.
"We have worked hard preparing Telstra for this market dynamic while ensuring we did not act precipitously. However, we are now at a tipping point where we must act more boldly if we are to continue to be the nation's leading communications company."
Kahit magbabawas ang Telstra, iginiit ng kompanya na mananatili itong isang "premium" na tatak at mangunguna pa rin ito pagdating sa pag-roll out ng teknolohiyang 5G.
Ang anunsyong ito ay dumating ng wala pang isang buwang pagkatapos sabihin ng Telstra na ang kita nito noong 2017/18 ay malamang nasa ilalim ng guidance range nito ng $10.1 bilyon to $10.6 bilyon. Ayon sa kompanya, dahil ito sa lumalakas na kompetisyon sa mobile at fixed broadband, at ang tumataas na presyo ng NBN.
Mula noong naging CEO si Mr Penn noong May 2015, bumagsak ang shares ng Telstra ng 53.8 na porsyento.
Dumating ang anunsyo pagkatapos magkaroon ng sunod-sunod na outages ang mobile network ng Telstra.
Libo-libong mga kliyente ng mobile reseller services na gumagamit ng Telstra network ang naapektuhan ng outages noong Lunes ng gabi. Ayon sa tagapagsalita ng kompanya, naresolba ang karamihan sa mga problema noong Martes ng hapon.
Ayon sa website ng Telstra, naapektuhan ng outages ang intermittent services sa Sydney, Melbourne, Brisbane, Adelaide at Hobart.
Saad ng kompanya na hindi nagka-isyu ang mga parokyano nitong nasa 3G or 4G networks, ngunit ang isang "vendor platform issue" ay nakaapekto sa reseller services para sa "a small number of wholesale customers".
BASAHIN DIN
