Ang 2026 Census ay gaganapin sa Martes, Agosto 11 ay mahalaga upang matiyak na ang bawat taong nasa Australia ay mabibilang. Ang impormasyong makakalap ay makatutulong sa pagpaplano ng mga serbisyo at titiyak na ang iyong komunidad, kultura, at pangangailangan ay maayos na kinakatawan.
Key Points
- Obligado ang lahat ng taong nasa Australia sa gabi ng Census, Agosto 11, 2026, na lumahok sa Census.
- Makakatulong ang iyong mga sagot upang mas maunawaan ng mga providers ng serbisyo ang iyong mga pangangailangan sa kasalukuyan at kung paano maaaring magbago ang mga ito sa hinaharap.
- Ang lahat ng personal na impormasyong ibibigay mo ay mananatiling ligtas at hindi gagamitin upang matukoy ang iyong pagkakakilanlan.
- Ginagamit ang datos mula sa Census bilang batayan sa pagpapasya tungkol sa mga serbisyo at suportang matatanggap ng iyong komunidad.
Isinasagawa ng Australian Bureau of Statistics (ABS) ang Census kada limang taon upang bilangin ang lahat ng tao at sambahayan sa Australia.
Ang impormasyong nakukuha mula rito ay nagsisilbing batayan sa pagpaplano at pagpapahusay ng mga serbisyong kailangan ng inyong komunidad.
Sinabi ni Emily Walter, National Spokesperson ng ABS Census, na ang Census ang pinakamalaking pangangalap ng datos sa Australia at nagbibigay ng mahahalagang estadistika na ginagamit sa pagpapasya para sa kinabukasan ng bansa.
“It's a snapshot of who we are and … shows how we're changing over time. The Census asks questions about health, education, cultural background [and] employment, which all provide a rich picture of the economic, social and cultural makeup of Australia.”
Ginagamit ang datos mula sa Census upang matiyak na ang mga kinakailangang serbisyo at imprastraktura ay maipagkakaloob sa mga indibidwal, pamilya, at komunidad kung saan at kailan ito kinakailangan. Kabilang dito ang mga language services, edukasyon, healthcare, community programs, public transport, at mga serbisyong sumusuporta sa paninirahan ng mga bagong migrante o settlement support.

Sa gabi ng Census sa 11 Agosto 2026, dapat mabilang ang lahat ng taong nasa Australia.
Kinakailangang lumahok ang bawat sambahayan sa Census at isama ang bawat tao sa kanilang Census form.
“That includes international students, visitors, visa holders and babies. Some people miss babies on their Census form."
Sa pagsagot ng Census, isama ang lahat ng taong nasa inyong tahanan sa gabi ng Census.
Kung ikaw ay nasa ibang bansa sa 11 Agosto 2026, hindi mo kailangang kumpletuhin ang Census. Ngunit kung ikaw ay nasa loob ng Australia, kahit naglalakbay o pansamantalang nananatili sa ibang lugar, kailangan mong sagutan ito kahit nasaan ka at ilagay ang iyong karaniwang tirahan.

Ang Census ay hindi tungkol sa mga indibidwal, kundi tungkol sa pangkalahatang impormasyon mula sa buong populasyon.
Hinihingi sa Census ang iyong pangalan at address upang matiyak ang kalidad ng datos, kabilang ang tumpak na impormasyon para sa iba’t ibang lugar. Ang mga pangalan ay inihihiwalay sa iba pang detalye sa unang bahagi pa lamang ng proseso.
We are legally not allowed to share Census data with anyone, any government agency or otherwise, in a manner that's likely to identify anyone.Emily Walter
Ibig sabihin nito, ang impormasyong ibibigay mo ay mananatiling kumpidensyal, ligtas na pangangalagaan, at hindi maaaring gamitin upang matukoy ang iyong pagkakakilanlan

Ang pagsagot nang tama sa lahat ng tanong sa Census ay tumutulong upang maisama ang iyong boses at ang iyong komunidad sa pagpaplano ng mga paaralan, community centres, language support, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Participating is really about the dignity of being seen, and the generosity of resources your community deserves.Aleem Ali
Si Peter Doukas ang Tagapangulo ng Federation of Ethnic Communities’ Councils of Australia (FECCA).
Ayon sa kanya, ang mga organisasyong pangkomunidad tulad ng Ethnic Communities Councils ay nakipagtulungan sa ABS upang maihatid ang impormasyon tungkol sa Census sa iba’t ibang wika at upang maibsan ang anumang mga pangamba o alalahanin ng mga tao.
“Getting accurate data and helping people to understand that it is a really important part of civic life in Australia is central.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Census, bisitahin ang Census website. Para sa suporta sa inyong wika bisitahin ang Language support page.
Ang impormasyong ito ay inihanda sa pakikipagtulungan ng Australian Bureau of Statistics (ABS) upang matulungan ang lahat ng komunidad sa Australia na makilahok sa Census.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





