Isang tahimik na pag-alaa ang nakatakdang ganapin nitong katapusan ng linggong ito upang markahan ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkawala ni Harold Holt, ang ika-17 Punung Ministro ng Australya.
Siya ay nawala habang naglalangoy sa bahagi ng Cheviot Beach sa Melbourne noong taong 1967 at hindi na nakita kailanman.
At sa anibersaryo ng kanyang pagkawala, nitong ika-17 ng Disyembre, sumasang-ayon ang mga kahalili sa pulitika na higit pa ang kanyang pamana kaysa sa kanyang mahiwagang pagkawala.
Share





