Humarap sa entablado si Treasurer Josh Frydenberg para sa kanyang Budget speech kagabi bitbit ang mahaba at komprehensibong listahan ng mga pagsubok sa taong ito.
"Tonight, as we gather, war rages in Europe. The global pandemic is not over. Devastating floods have battered our communities. We live in uncertain times. The last two years have been tough for our country, there have been setbacks along the way. But Australia remains resilient. Australia remains strong."
Sa kabila ng mga problema, naging maayos naman umano ang ekonomiya ng Australia.
Nagkaroon ng pinaka mababang unemployment rate sa loob ng limampung taon, dumami ang nagkaroon ng pagkakataon na makabili ng sariling bahay, bumaba ang tax at napanatili ang international Triple-A credit rating.
"By the end of the forward estimates, the Budget is $100 billion better off compared to last year. More people in work, fewer on welfare. Repairing the Budget without increasing taxes. The deficit for 2022-23 is expected to be $78 billion, or 3.4 per cent of GDP. Over the next 3 years, this will more than halve to 1.6 per cent.
Highlights
- Hindi naman mapapantayan para kay Ginoong Frydenberg ponding hatid ng Morrison Government sa mga paaralan, hospitals, Medicare, mental health, aged care, women’s safety at disability support.
- Ang ayuda para sa mga pamilya, magsasaka, maliliit na negosyo, lokal na pamahalaan at mga nasasakupang komunidad ay hihigit sa $6 billion.
- Pinakamalaking bahagi ng budget naman ay mapupunta sa Defence.
Batid din nya ang dinaranas na kalamidad sa mga komunidad ng south east Queensland at northern New South Wales. Tinatayang aabot ng $763 million ang budget para sa Natural disaster relief.
Pero ayon sa mga mamamayan, hindi lang ang mga sakuna at kalamidad ang nagdudulot ng stress sa kanilang kabuhayan kundi ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
"Higher fuel, food and shipping costs are increasing inflation and stretching household budgets. Tonight the Morrison Government announces a new temporary, targeted and responsible cost of living package to ease these pressures. Practical measures that will make a difference. Fuel excise will be cut in half. For the next 6 months, Australians will save 22 cents a litre every time they fill up their car. "
Ibigsabihin makakatipid ng halos $7 sa bawat full tank na sasakyan.Magkakaroon din ng one-off na $420 cost-of-living tax offset para sa higit 10 million low-and-middle income earners.
At bagong one-off $250 Cost of Living Payment para naman sa 6 million pensioners, carers, veterans, job seekers, eligible self-funded retirees and concession card holders.
Madadgdagan rin ang Paid Parental Leave kung saan makakapili ang bawat pamilya kung paano nila gagamitin ang 20weeks na leave na mayroon sila.
Inanunsyo din ng Treasurer ang bagong $2.8 billion investment para mapataas ang bilang ng mga kumukha ng training at upskilling, na May $5,000 na bayad sa mga bagong apprentices.
Ang mga negosyo na nagbayad para sa upskilling ng mga tauhan ay tatanggap ng $120 ng tax relief sa bawat $100 na kanilang ginastos.
May ka parehong tax offset naman sa mga negosyante na nag invest sa digital technology.
Ibinahagi ni Ginoong Frydenberg ang isang regional investment package na naglalaman ng malaking investments sa agrikultura, imprastraktura at enerhiya sa Hunter, the Pilbara, the Northern Territory and North and Central Queensland.
Ang Defence workforce naman ay magkakaroon ng 101,000 na tauhan pagdating ng 2040, na popondohan ng $38 billion.
Kasama sa mga bibilhin ang mga bagong armas, tangke, mobile howitzers at armoured vehicles.
Tinawag namang REDSPICE ang bagong package na acronym ng Resilience, Effects, Defence, Space, Intelligence, Cyber and Enablers
Layunin nitong palakasin ang opensiba at depensa, kakayahan ng Australian Signals Directorate.
Hindi naman mapapantayan para kay Ginoong Frydenberg ponding hatid ng Morrison Government sa mga paaralan, hospitals, Medicare, mental health, aged care, women’s safety at disability support
Ang bagong halaga na ilalaan sa mental health, ay itutuon sa suicide prevention.
Samantala, dahil sa nalalapit na eleksyon, tinapos ni Treasurer Frydenberg ang talumpati at sinabing tinutupad ng pamahalaan ang pangako nito sa mga mamamayan kayat hindi na dapat magbago ng direksyon.