Ang Ramadan sa Australia ay isang panahon para sa mga Muslim na magmuni-muni tungkol sa kanilang ispirituwalidad o kabanalan, at para doon sa mga nasa trabaho - na gumawa ng ilang mga pagbabago sa kanilang regular na araw. Larawan: Madina Aziz, kaliwa, naghahanda ng isang Ramadan meal (SBS)
Sa isang patuloy na tumataas na pagkakaiba-iba ng komunidad, binabago ng maraming mga lugar-patrabaho ang kanilang mga gawi upang makatulong sa mga empleyado na maipagpatuloy ang kanilang mga gawing pagsunod sa kanilang pananampalataya sa panahon ng aabot sa tatlumpung araw na pag-aayuno o fasting.
Share




