'Medyo malungkot': Pasko ng mga international students

Filipino international students

Filipino international students Source: SBS Filipino

Medyo malungkot ang Pasko ng ilang international students ngayong taon dahil hindi nila makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.


"Plano ko po sanang umuwi sa atin para dun magcelebrate ng Christmas ngunit dahil nga po nasa kalagitnaan tayo ng pandemya at may mga border restrictions ay hindi mangyayari. As an international student, medyo malungkot po ang Pasko dahil limitado ang mga pwedeng gawin at hindi ko makakasama ang mga magulang at kapatid ko upang i-celebrate ito."

Ito ang pagbahagi ng international student na is Kimberly Mitchiko na dalawang taon nang nag-aaral sa Australia.

Dagdag niya, sobra niyang na-miss ang presensya ng kanyang pamilya lalo na ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.

"Just the presence of my family during Christmas ay nakakamiss. Namiss ko din ang maingay at makulay na selebrasyon natin sa Pilipinas."
International student Kimberly Mitchiko
International student Kimberly Mitchiko Source: Kimberly Mitchiko
Samantala, para naman kay Quennie Evalaroza na kamakailan lamang ay nakabalik na sa trabaho matapos mawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya, bagaman naging hamon ang taon, nagpapasalamat siya sa mga Pinoy na tumulong sa kanila.

"Nakakabangon na ulit after 6 months na walang trabaho. Buti nalang may mga Pinoy na ready tumulong sa amin. Nagbenta din kami ng mga ulam marami namang mga Pinoy ang bumili. Gumawa din ako ng mga business logos. Mahirap ang buhay kaya dapat didiskarte tayo."

Para sa kanya ang Pasko ay panahon ng pasasalamat.

"Christmas reminds me of how blessed I am. Its like a pause button. It's time to give thanks for what we have. Kahit dumaan tayo sa kahirapan, we look back and say thank God umabot ako sa araw na ito. It's a season of giving thanks to God and celebrate life."

Dagdag ni Queenie, ipinagdiwang niya ang Pasko kasama ang mga kapwa Pinay at nagkaroon sila ng simpleng hapunan.
International student Queenie
International student Queenie Source: Queenie Evalagoroza
Si Noemi Vito naman ay mas pipiliin ang magtrabaho ngayong Pasko dahil hinahabol niya ang holiday pay.

"Usually nag-wo-work ako tuwing Pasko kasi hinahabol ko ang holiday pay. Kasi as an international student mahal ang tuition fee."

Dagdag niya tatlong taon na siyang hindi nakakapag-Pasko sa Pilipinas at namiss niya na ng todo ang dalawang anak niya.
International student Noemi Vito
International student Noemi Vito Source: Noemi Vito
"This year I’m spending my Christmas at the aged care. I celebrate my Christmas by comforting the residents at work dahil limited din ang visitation due to COVID."

Dasal niya ang magbukas na ang border upang makauwi na siya sa Pilipinas. Himok niya sa mga international students na maging matatag. 

"Tatagan nila ang loob nila kasi struggles lang ito. This shall pass. Lahat ng hardwork ay magpa-pay off."

PAKINGGAN/ BASAHIN DIN


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
'Medyo malungkot': Pasko ng mga international students | SBS Filipino