Malayo sa piling ng sariling pamilya, binalikan ng mga mamamahayag at mga miyembro ng SBS Filipino ang kanilang unang Pasko sa Australia.
Maridel Martinez
"Matatawag na bitter-sweet. May halong pait dahil sa unang pagkakataon malayo ako sa aking mga kapatid, magulang, mga lolo't lola't mg amahal sa buhay. Ngunit masaya dahil sinimulan ako ang bagong yugto sa aking buhay. Matapos ang may 20 taon dito sa Australia, nasimulan na rin namin ang mga panibagong tradisyon kasama ang aming mga anak at kamag-anak dito."

Maridel Martinez, with her husband, during her first Christmas in Australia in 1999. Source: Supplied
Roda Masinag
Nanibago talaga ako kasi sobrang tahimik, hindi uso 'yung mga carolling, wala kang gaanong makikitang Christmas decorations sa paligid. Merong mangilan-ngilan pero hindi talaga katulad sa Pilipinas na kahit saan ka tumingin may Christmas lights at saka mga nakasabit na parol sa paligid.

Roda Masinag (far left) with her partner and family. Source: Supplied
Nikki Gregorio
Dumating ako sa Australia noong 2010, para mag-aral, pero lagi akong umuuwi noon kapag Pasko. Pero ang unang Pasko ko talaga is 2015, nung bumalik ako dito permanently noong nag-asawa na ako. Syempre ibang-iba ang Pasko dito, mas tahimik, maagang matulog ang mga tao, hindi gaanong nagde-decorate.
Unang Pasko ko 'yun na hindi ko kasama ang pamilya ko sa Pilipinas, pero kasama ko naman 'yung asawa ko na kaya mixed emotions ang nararamdaman ko noon. Pero ang maganda naman sa pamilya ng asawa ko, lagi silang may family lunch kapag dating 26, madami sila dito at masaya silang kasama kaya mararamdaman mo din naman 'yung festivities dahil doon.

Nikki Gregorio (in red top), with her husband, during her first Christmas in Australia in 2015. Source: Supplied
Edinel Magtibay-Dearden
My first Christmas in Australia was December 2018. Three months pa lang ako noon dito. I get to celebrate with a different family, hindi 'yung mg akamag-anak ko 'yung kasama ko noon kasi karamihan ng mga kamag-anak ko eh umuwi sa Pilipinas. Kasama ko 'yung Pitogo family na mga taga-Batangas na nagbabakasyon dito noon.
Masayang-masaya 'yung night na yun kasi syempre hindi ka mag-isa, nasa malayo kang lugar pero may kasama ka pa rin.
Noong 25th December, in-experience ko naman 'yung Aussie Christmas. Pumunta kami sa beach ng mga new found friends ko, naglatag ng towel sa beach, tapos may mga dalang pagkain, tapos swimming-swimming. We spent the whole day sa beach.

Edinel Magtibay (far left) celebrating her first Christmas in Australia in 2018 with the Pitogo family. Source: Supplied
Claudette Centeno-Calixto
Unang Pasko ko sa Australia ay 2016, tatlong buwan matapos akong lumipat mula sa Pilipinas. Masasabi ko na masaya kasi kasama ko ang pamilya at kamag-anak ng aking asawa. Pero masasabi ko ding may halong lungkot kasi hindi ako sanay na magdiwang ng Pasko na hindi kasama ang aking mga magulang.

Claudette Centeno (in blue dress) celebrated her first Christmas in Australia in 2016 with her husbands family. Source: Supplied
Annalyn Violata
Taong 2008, July nang dumating ako sa Sydney at sa unang Pasko ko dito sa Australia, 5 months pa lang ako dito noon. Medyo nakakapanibago talaga kasi although kasama ko pinsan ko at auntie ito naman 'yung unang beses ko na umalis ako ng Pilipinas, kaya medyo may pagka-homesick pa 'yung pakiramdam ko.
Sa unang Pasko ko dito, ito rin 'yung unang pagkakataon na pumunta ng Canberra. Nagsimba lang kami at nag-Christmas lunch sa kamag-anak ng nanay ko. Masaya naman kahit paano dahil may kasama akong kamag-anak. Pero syempre ibang-iba talaga siya sa Pilipinas dahil tuwing Pasko sa amin, kahit saan ka mang parte ng Pilipinas naroon, umuuwi talaga kami 'pag Pasko at magkakasama kaming immediate family at buong mga kamag-anak.

On her first Christmas in Australia, Annalyn Violata (middle) with cousin and aunt, went to church first before going to a Christmas lunch hosted by an aunt. Source: Supplied
BASAHIN DIN / PAKINGGAN