Ang kahinaan ng isang babae ay maaaring maging lakas niya

Lizza Gebilagin

Lizza Gebilagin (in red) during last year's World Qualifiers Source: Supplied by L. Gebilagin)

Ang pagiging babae, edad at lakas ay hindi dapat tumukoy sa kung ano ang nais mong makamit at maging matagumpay. "You can be feminine and girly and love words and literature and still have the other side of you, and that is cool; you don't have to be one version of femininity at all," ang paniniwala ng journalist-boxer Lizza Gebilagin.


Mula sa isang mundo ng ganap na pagiging nerd hanggang sa isang pisikal na mapaghamong isport ng mixed martial arts hanggang sa boxing, ang Deputy Editor ng Women's Health sa araw at isang boksingero sa gabi ay nagsimulang makipaglaban sa ring sa gulang na 36.

Ngayon kilala bilang ang mamamahayag na nakikipag-boksing, ibinahagi ni Lizza Gebilagin na ang isa sa mga pinaka-mahinang pagkakataon sa kanyang buhay ay kapag siya ay nasa loob ng ring habang ang isang tao ay itinakda ang laban sa kanya upang talunin siya at manalo. Ngunit sa huli, sa pang-araw-araw na buhay, siya ay isang tunay na napaka-sensitibong tao.
Lizza Gebilagin
Lizza at her desk (Cleo as supplied by L. Gebilagin) Source: Cleo as supplied by L. Gebilagin
"I am a nerd and I also like to box. And I feel like it's empowering for people to see examples of women who don't necessarily fit the mode of what you expect and it allows other women to really shine themselves and if they have some weird interests that people don't expect quite often then that's fine, they should go and pursue that," ang sabi ni Lizza habang binigyang-diin niya ang pagnanais na manatili sa parehong pamamahayag at boksing.
Lizza Gebilagin
Lizza and husband Brad Tinklin (Supplied by L. Gebilagin) Source: Supplied by L. Gebilagin
Nakikita ang ganap na katuparan sa pagsusulat at boksing, si Gebilagin, na miyembro ng Team NSW - 2018 Elite Australian Championships, ay nakatakda lumaban sa mga international boxer sa unang pagkakataon sa 2019 Arafura Games sa buwan ng Mayo sa Darwin.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand