Alagang nanay hatid ng isang homestay owner sa international students na kanyang pinapatuloy

international student, homestay, rental, covid

Source: Supplied by Cora Deano

Landlord na, nanay pa. Yan ang turing ng mga estudyante sa isang Pinay homestay owner sa Victoria.


Highlights
  • Isa ang rental sektor sa lubhang naapektuhan ng Covid-19
  • Dahil sa lockdown, naging matumal ang pagdating ng mga estudyante na nagungupahan
  • Sa 15 taong pagpapahomestay ni Cora Deano, ngayon lang niya naranasan ang pagtamlay sa mga lugar na dati-rati ay puno ng mga estudyante
Para kay Cora Deano, hindi lahat ng nag-papaupa ay karagdagang kita lang ang habol. Minsan, mas nangingibaw ang kagustuhang tumulong at kumupkop ng kapwa.

Malapit lang sa Monash University ang 5-bedroom na tahanan ni Cora.

Single mum at solong nakatira sa bahay. Ang dating upa, $1200 kada buwan ang renta, mas mababa sa karaniwang renta dahil homestay ito. Di gaya ng ibang student accommodation, nakakasama ni Cora sa kanyang bahay ang mga  international students.

Dumadaan sa interview at kailangang kilalanin ang mga tinatanggap na estudyante.

"Having a student in your home is a big responsibiilty, the parents expect you to look after their children.”

Dahil malayo sa pamilya at  nangungulila ang mga estudyante higit sa landlord ang ginagampanan ni Cora.

Nagsisilbi siyang pangalawang magulang sa mga estudyanteng tumitira sa kanyang tahanan.

“I don’t do this for profit this is more for service kasi ipagluluto ko sila. Ipapasyal ko sila, tuturuan ko ng English,  I enjoy their company. Kasi lalo na mag-isa lang ako sa bahay.”

Mula nang nag-lockdown, pinauwi na ang nag-iisang estudyante kaya mas tahimik na sa bahay ni Cora.

Hindi niya batid ang pagtumal ng mga umuupa.

Sa halip, may pagkakataong hinahanap-hanap niya ang pag-aruga at pag-gabay sa mga estudyante.

“I’m content and happy. I want to raise and guide successful children.”

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Alagang nanay hatid ng isang homestay owner sa international students na kanyang pinapatuloy | SBS Filipino