Alak at Batas sa Australia: Ano ang dapat mong malaman?

Australia Explained - Alcohol

There are often signs in public places when alcohol use restrictions apply. You can also check on your council website for this information. Source: Moment RF / Simon McGill/Getty Images

Sa datos mula Australian Institute of Health and Welfare halos 6,000 katao ang namamatay bawat taon at mahigit 144,000 ang na-oospital dahil sa pag-inom ng alak mula taong 2003 hanggang 2024. Dahil sa panganib sa kalusugan, may batas sa tamang edad at lugar ng pag-inom na iba-iba sa bawat estado. Mahalaga itong malaman at sundin.


Key Points
  • Para sa mga kabataan, sinusuportahan ng agham ang pagpapaliban sa pag-inom ng alak upang maiwasan ang labis na pag-inom sa pagtanda.
  • May mga batas sa Australia tungkol sa edad para sa pag-inom at pagbili ng alak, pati na rin ang mga regulasyon sa pagbibigay ng alak sa iba at pagbabawal sa pag-inom sa ilang pampublikong lugar.
  • Karaniwan sa mga house party ang BYO (Bring Your Own), habang sa mga bar o venue, normal ang kultura ng ‘shouting’ ng inumin.
Ang Australia ay may opisyal na alcohol guidelines na inilabas ng National Medical and Research Council para mabawasan ang panganib sa kalusugan dahil sa pag-inom.

Ayon dito , ang mga malulusog na tao ay dapat uminom ng hindi hihigit sa 10 standard drinks sa loob ng isang linggo, at hindi hihigit sa 4 na standard drinks sa isang araw.

Sa Australia, ang isang standard drink ay may 10 grams ng purong alkohol. Katumbas ito ng humigit-kumulang 285ml ng full-strength na beer, 100ml ng wine, o 30ml na shot ng spirits. Tandaan: karamihan sa mga inuming may alkohol ay may higit pa sa isang standard drink.
Australia Explained - Alcohol
Every person has a different relationship to alcohol. Some choose to abstain altogether or drink less than their peers opting for non-alcoholic alternatives and drinks like mocktails. Credit: Thomas Barwick/Getty Images
Ang mga malulusog na matatanda o adult na umiinom ayon sa gabay na ito ay may mas mababa sa isa sa bawat sandaang posibilidad na mamatay dahil sa sakit o pinsalang dulot ng alak.
Drinking less alcohol or not at all is a positive health decision that you can make.
Kristie Cocotis
Australia Explained - Alcohol
Alcohol is a teratogen, which means it can interrupt the normal development of an unborn baby. There's no safe amount of alcohol or safe time to drink during pregnancy.  Credit: Barry Austin/Getty Images
Ayon sa pinakabagong datos ng ABS, isa sa bawat apat na matatanda sa Australia ang lumalampas sa opisyal na guideline sa alcohol consumption.
Australia Explained - Alcohol
It’s typical for alcohol to be present at home barbeques, unless the host has specified it is an alcohol-free event. Source: Moment RF / Attila Csaszar/Getty Images
Sa Australia bagamay karaniwan may kaugnayan sa okasyon o mga pagdiriwang ang pag-inom may sinasabing alcohol etiquette din dito na sinusunod.
Unless they explicitly said all alcohol is provided, typically if you're invited to someone's house for a BBQ, a picnic, you would bring your own alcohol.
Dr Amy Pennay
Australia Explained - Alcohol
If you’re invited to someone’s home for an event, you are expected to bring your alcoholic beverage of choice if you’re planning to drink. Credit: Jupiterimages/Getty Images
Australia Explained - Alcohol
You might get asked for ID when purchasing alcohol at a bar or a liquor store. Credit: O2O Creative/Getty Images
Ang mga batas tungkol sa secondary supply—o ang pagbibigay ng alak sa mga menor de edad na wala pang 18 taong gulang—ay magkakaiba rin depende sa estado o teritoryo sa Australia.
Australia Explained - Alcohol
It’s not legal to supply a minor with alcohol if you are just their friend of adult age. Credit: Anchiy/Getty Images
Ipinapakita ng pananaliksik na mainam na ipagpaliban ang pag-inom ng alak ng mga kabataan hanggang sa edad na 18 pataas.

Ito ay naaayon sa legal na edad ng pag-inom sa Australia at sa opisyal na gabay ng National Medical and Research Council.

“The research evidence clearly shows that the longer you can delay initiation, the less likely it is that the young person will become a heavy drinker."

Kung ikaw o may kakilala kang nangangailangan ng tulong tungkol sa paggamit ng alak, maaari kang tumawag sa National 24/7 Alcohol and Other Drugs Hotline sa 1800 250 015. Libre ito, kumpidensyal, at hindi mapanghusga—may makakausap kang handang makinig, magbigay ng impormasyon, at tumulong.

Para sa agarang tulong sa krisis, tumawag sa Lifeline sa 13 11 14.
Bisitahin ang Department of Health's website para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga batas sa alak sa Australia at sa inyong estado o teritoryo.

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

May tanong ka ba o may gusto kang topic na pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino 
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Alak at Batas sa Australia: Ano ang dapat mong malaman? | SBS Filipino