Tips at gabay para sa magtagumpay na karera sa industriya ng konstruksyon sa Australia

WIP_construction_stock_pop.jpg

What qualifications or training are needed to enter construction in Australia?

Alamin kung paano makapagsimula at makapagpatuloy sa karera ang mga migrante sa sektor ng konstruksiyon sa Australia. Tuklasin ang mataas na demand sa trabaho, mahahalagang pagsasanay o essential training, safety requirements, at ang malawak na oportunidad sa buong bansa.


Ibinabahagi ng artikulong ito ang mga praktikal na payo mula sa Work in Progress, isang bahagi ng Australia Explained series na sumusubaybay sa mga kwento ng mga skilled migrant na bumubuo ng makabuluhang karera sa Australia. Pakinggan ang lahat ng episodes para sa mas maraming kwentong nagbibigay-inspirasyon at gabay mula sa mga eksperto.

Sa episode na ito, ibinabahagi ni Jean Moreau, isang migrante mula sa France, ang kanyang paglalakbay mula sa pagiging entry-level labourer hanggang sa pagtatayo ng sarili niyang negosyo sa konstruksiyon. Kasama ang mga eksperto sa industriya, nag-aalok siya ng mahahalagang pananaw at practical tips para sa mga nagnanais magkaroon ng matagumpay na karera sa larangang ito.

Tinatayang mangangailangan ang sektor ng konstruksyon sa Australia ng halos kalahating milyong bagong manggagawa pagsapit ng 2029. Bagama’t bumubuo ng mahalagang 20 porsyento ng workforce sa konstruksyon ang mga migranteng manggagawa, unti-unting nababawasan ang kanilang bilang sa gitna ng matinding workforce shortage.
Jean Moreau working on a site.png
Jean Moreau working on a site.

Bakit nangangailangan ng mas maraming manggagawa ang industriya ng konstruksiyon sa Australia?

Ayon kay Denita Wawn, CEO ng Master Builders Australia, kailangan ng bansa ng humigit-kumulang 350,000 hanggang 400,000 dagdag na manggagawa pagsapit ng 2029 upang matugunan ang inaasahang pangangailangan. Sa kabuuan, tinatayang mangangailangan ang industriya ng konstruksiyon ng halos 500,000 bagong manggagawa sa parehong panahon.

“The labour shortage for the building and construction industry is quite severe, particularly in relation to trades—40 odd trades that you need to build our buildings and our homes around the country."

Paano makabuo ng matagumpay na karera sa konstruksyon ang isang migrante?

Dumating si Jean Moreau mula sa France noong 2011 upang matutong magsalita ng Ingles o English, hindi niya inasahang mananatili nang matagal o magtatrabaho sa konstruksiyon. Matapos ang fruit-picking sa Queensland at pagtatrabaho ng kahit anong trabaho o odd jobs sa Sydney, naengganyo siyang tumawag sa isang kompanya ng konstruksiyon—at iyon ang nagbago ng lahat.

Nagsimula bilang isang labourer na walang kwalipikasyon at may limitadong kaalaman sa Ingles, ginugol ni Jean ang maraming taon sa pagwawalis ng sahig, paggamit ng jackhammer, at pagtatrabaho ng mahabang oras.

“I was sweeping the floor for five years, doing jackhammering every day. On Sunday, I was working at my boss’s house. I worked seven days a week for maybe the first six months.”
Sa pamamagitan ng karanasan, pagsasagawa ng mga safety training tulad ng White Card, at pagkatapos ay pag-specialise sa mga larangan gaya ng formwork, unti-unting umangat si Jean.

Ngayon, siya ay may-ari na ng isang kompanya ng konstruksiyon na may 50 empleyado sa tatlong estado. Ipinapakita ng kanyang kwento kung paano maaaring magtagumpay ang mga migrante sa industriya sa pamamagitan ng tiyaga o persistence, upskilling, at pagsusumikap o hard work.

Anong mga kwalipikasyon o pagsasanay ang kinakailangan upang makapasok sa industriya ng konstruksyon sa Australia?

“The strong encouragement to get a step in the door and get labouring work is to ensure that you've got your basic site requirements,” pahayag ni Denita.

Sa Australia, kinakailangan ng lahat sa isang job site na magkaroon ng White Card, na nakakamit matapos ang isang araw na training course sa basic safety. May ilang estado at teritoryo rin na nangangailangan ng pagsasanay tungkol sa asbestos at silica awareness.

Mayroon ding short-entry courses na angkop sa mga partikular na tungkulin sa loob o labas ng site.

Habang nadaragdagan ang karanasan, maraming manggagawa ang nag-aaral o upskill sa pamamagitan ng mga short courses at nag-eespesyalisa sa mga trades tulad ng formwork, scaffolding, o safety screens.
To grow, you need to invest in yourself. Training is essential if you want to run your own company one day.
Jean Moreau
The team of JM Formwork on site.png
Construction workers working on site.

Paano nakaambag ang mga migrante sa paghubog ng industriya ng konstruksyon sa Australia?

Ayon kay Tony Bishop, National General Manager ng Brick & Block Careers, immigrant-driven o matagal nang pinapatakbo ng mga migrante ang industriya ng konstruksyon sa Australia.
In Australia the construction industry has been built on immigration. The amount of Italians and Greek people and from many other countries, all have come here as either skilled or semi-skilled and found their way and worked their way around.
Tony Bishop
Dagdag ni Tony bagama’t may epekto ang uri ng visa sa employment pathways, karamihan sa mga tao ay maaaring makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng:
  • Labouring jobs 
  • Informal apprenticeships 
  • Recognition of Prior Learning (RPL) 
  • Free industry guidance groups at associations tulad Brick & Block Careers, isang grupo na nagbibigay ng libreng tulong kung paano makapasok sa industriya at magsimula ng career sa bricklaying.

Saan makahanap ng pinakamaraming oportunidad sa trabaho sa konstruksyon sa Australia?

Karamihan sa mga trabaho sa konstruksyon ay nasa mga lungsod o metro areas, dahil 80 porsyento ng mga Australian ay nakatira malapit lang sa baybayin, mga 50 kilometro lang ang layo. Ngunit may mga natatanging oportunidad din sa mga regional towns.
In Australia, [a] good tip is if you're not attached to any big city, if you're willing to go in a small town that is getting developed, there's a lot of work out there.
Jean Moreau
Ang pagiging bukas sa paglipat-lipat ng lugar ay nakatulong sa maraming migrante na mas mapabilis na lumago ang kanilang karera—dahil pumupunta sila kung saan in-demand ang kanilang serbisyo.
Denita is the Chief Executive of Master Builders Australia.jpg
Denita is the Chief Executive of Master Builders Australia.

Anu-anong mga dapat malaman ng isang manggagawa sa konstruksyon tungkol sa mga patakaran sa kaligtasan o safety, language, at mga legal expectation sa Australia?

Mahigpit ang regulasyon sa mga construction site sa Australia, lalo na pagdating sa kaligtasan o safety.

Ayon kay Graciete Ferreira, Managing Director ng ACT Pacific Formwork at isang dating migrante rin:
We have very rigorous site safety controls. Migrants must understand they are responsible for their own and others’ safety.
Graciete Ferreira
Para makapagtrabaho sa kahit anong construction site sa Australia, mandatory ang White Card. Ito ay isang nationally recognised na accreditation na nakukuha matapos ang isang araw na training tungkol sa basic safety sa job site. Depende sa estado o teritoryo, maaaring kailanganin din ang karagdagang training tulad ng asbestos awareness, silica awareness, o lisensya para sa paggamit ng ilang kagamitan gaya ng scaffolding, forklift, o crane.

Protektado rin ang mga manggagawa sa ilalim ng Australia’s Work Health and Safety (WHS) laws, Nakasaad dito na responsibilidad ng employer na tiyaking ligtas ang lugar ng trabaho. Sa kabilang banda, obligasyon ng mga empleyado na sumunod sa mga patakaran sa site, gumamit ng protective equipment, at agad na i-report ang anumang panganib o hazard.

Kung lalabagin ang mga batas sa kaligtasan, maaaring humantong ito sa multa, pagkakatanggal sa trabaho, o sa malulubhang kaso, kasong kriminal.

Mahalaga rin ang kasanayan sa wikang English—hindi lang para makibagay, kundi para rin sa safety. Mabilis ang takbo ng trabaho sa mga construction site, at maaaring mapanganib kung hindi tama ang pagkaintindi sa mga instructions.

Binibigyang-diin ni Jean Moreau ang kahalagahan ng kasanayan sa wika:

“If someone yells, ‘Watch out!’ and you don’t understand, you can get badly hurt or killed.”

Para sa mga patuloy pang pinapahusay ang kanilang English, maraming TAFE institutions at community colleges ang nag-aalok ng workplace English courses na nakatuon para sa mga migrante sa larangan ng konstruksiyon at iba pang trades.

May ilang employer din na nagbibigay ng suporta sa language training upang matulungan ang kanilang mga manggagawa na makasunod sa mga pamantayan sa komunikasyon at safety standards.

Bukod dito, lahat ng manggagawa ay kailangang may tamang visa na may work entitlements. Marami ring trabaho sa trades ang nangangailangan ng lisensya mula sa state o territory regulators (halimbawa, lisensya para sa electrical at plumbing). Mahalagang sumangguni sa tamang ahensiya ng inyong estado bago magsimulang magtrabaho.

Graciete Ferreira, the Managing Director of ACT Pacific Formwork
Graciete Ferreira, the Managing Director of ACT Pacific Formwork Credit: Elesa Kurtz/Canberra Times

Aling uri ng trades o trabaho ang may pinakamataas na demand sa industriya ng konstruksiyon?

Itinuturo ni Denita na kabilang sa mga pinaka-in-demand na trabaho sa industriya ngayon ang mga carpenter o karpentiro, plumber, electrician, tilers, farm workers, at bricklayers.

Ang bawat trade ay may kanya-kanyang pisikal na requirements, pagsasanay, at lisensiyang kailangang kunin.

Halimbawa, ang trabaho sa formwork ay may kasamang paggamit ng heavy machinery at nangangailangan ng specialised safety certifications.

Payo ni Tony: magsaliksik muna tungkol sa bawat trade para makapili ng angkop sa iyong kakayahan at mga pangmatagalang layunin.

Paano mo matukoy ang tamang karera o career path sa industriya ng konstruksyon?

Naniniwala si Jean sa pagbibigay ng pagkakataon sa iba na magtrabaho sa kanyang kompanya—tulad ng pagbibigay sa kanya ng unang pagkakataon noon.

“I’ve been there. I hire people from everywhere: Australia, the Pacific, Europe, South America. Everyone has a story.”

Pero malinaw sa kanya kung ano ang kailangan para magtagumpay.

“You’ve got to work. People say you make good money here, but... it’s hard work—but it pays off.”

Resources at practical tips para sa mga migrante sa trabaho sa konstruksyon

Kung iniisip mong pumasok sa industriya ng konstruksiyon sa Australia, narito ang ilang mahahalagang hakbang at sanggunian na makakatulong sa iyong pagsisimula:
  • Suriin ang work rights mo: Alamin ang detalye at mga kondisyon ng visa mo gamit ang Visa Entitlement Verification Online (VEVO). 
  •  Kumuha ng White Card: Kumpletuhin ang mandatory safety induction ng approved provider. Para sa dagdag kaalaman bisitahin ang website ng Safe Work Australia.
  • Tuklasin ang mga oportunidad sa trabaho. Entry-level roles at mga impormasyon sa mga in-demand na trabaho ay makikita sa Jobs Hub – Construction
  • Mag-research tungkol sa mga karera: Ipinapaliwanag sa Construct Your Career guide ng Master Builders Australia ang mga posisyon, kwalipikasyon, at karaniwang sweldo.
  • Mag-upskill sa tulong ng training: Mag-explore ng short courses, apprenticeships, at mga nationally recognised qualifications sa mga Registered Training Organisations (RTOs)
  • Suriin ang mga patakaran sa lisensya: Ang mga trabahong gaya ng plumbing at electrical ay nangangailangan ng lisensya. Alamin ang karagdagang impormasyon mula sa licensing authority ng iyong estado o teritoryo.
  • Pagbutihin ang English: Pwede kang mag-enrol sa workplace English courses sa local TAFE sa iyong lugar.
  • Subukan ang regional work: Dito madalas marami ang kailangan at mabilis ang chance na umangat sa career.
    Check mo yung mga options sa Australian Apprenticeships Pathways.
.
Disclaimer: Ipinapakita ng artikulong ito ang isang halimbawa ng karanasan ng isang migrante sa industriya ng konstruksyon. Ang impormasyong ibinahagi ay tama noong ito ay nailathala, ngunit maaaring magbago sa pagdaan ng panahon. Para sa mga nais magtrabaho sa konstruksyon, inirerekomenda na kumuha ng naaangkop na payo mula sa mga opisyal na ahensya tulad ng Employment and Workplace Relations, Master Builders Australia,at kinauukulang training authorities at professional associations sa inyong estado o teritoryo.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand