Key Points
- Ang mga hakbang sa border control ay ipinatutupad upang maprotektahan ang natatanging kalikasan at ekonomiya ng Australia.
- Lahat ng pasaherong dumarating ay kailangang magsumite ng Incoming Passenger Card. Isa itong legal na dokumento.
- Ang mga pagkain at halaman ay may mataas na panganib at kailangang ideklara.
- Ang pagtatago o hindi pagdedeklara ng mga bagay ay maaaring magresulta sa multa o pagkakakulong.
- Kung hindi sigurado, mas mabuting ideklara ito.
Ang Australia ay may ilan sa pinakamahihigpit na batas sa biosecurity sa buong mundo, at may mahalagang dahilan kung bakit. Upang maprotektahan ang bansa, maraming uri ng pagkain at produktong halaman ang hindi pinahihintulutang ipasok.
Ang mga ito ay maaaring magdala ng mga peste at sakit na matagal nang napipigilang makapasok sa Australia, na maaaring magdulot ng panganib sa kalikasan, agrikultura, at ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Vikki Fischer, Assistant Secretary ng Traveller Policy and Operations sa Department of Agriculture, Fisheries and Forestry.
“Our biosecurity status on this great big island is absolutely essential for our trade, for our community comfort, for our agricultural productivity and for our beautiful environment and our incredible native species. That is what we are trying to protect.”
Ang agrikultura ay sumusuporta sa libo-libong kabuhayan sa buong Australia. Ang mahihigpit na batas sa biosecurity ay mahalaga rin upang mapanatili ang kakayahan ng bansa na makipagkalakalan sa ibang bansa nang walang banta ng mga peste at sakit.

Kapag pumapasok tayo sa Australia sa pamamagitan ng eroplano o barko, binibigyan tayo ng Incoming Passenger Card (IPC) na kinakailangang punan sa eroplano o bago makarating sa customs.
Sa pamamagitan ng pagsagot sa lahat ng tanong sa card, ipinapaabot natin sa mga opisyal ng Australian Border Force ang anumang posibleng ipinagbabawal na bagay na dala natin, kahit hindi natin namamalayan.
“That yellow card, the IPC, is a legal document. “You are declaring, on that legal document, whether or not you are carrying any sort of food items, [… ] any plant products, any animal products, any dirt on your boots, perhaps, " babala ni Fischer.
All food, plant material, animal products that might seem harmless, must be declared.Vikki Fischer

The International Passenger Card comes in 48 different languages so we can cater for people from all different countries that arrive into Australia.Neil Singh


Ano ang mga karaniwang bagay na dapat ideklara?
Gamot
Cash
Alcohol and tobacco
Gifts
Ang mga patakaran ay umiiral din sa mga regalo at souvenir na ating dinadala papasok ng Australia.
“We obviously want you to bring presents back to the family or friends,” Mr Singh says. “And with that you have a limit up to $900.
“And what people should remember is personal items for yourself such as clothing, shoes and so forth aren't part of that $900. If it is more than $900, you could be liable for duty and taxes.”
Makikita ang kumpletong listahan ng mga ipinagbabawal na bagay sa online.: Australian Border Force
Kung nag-aalinlangan, ideklara ito. Ang ilang minutong dagdag sa paliparan ay makakatulong upang maiwasan ang parusa at maprotektahan ang kalikasan, ekonomiya, at pamumuhay sa Australia.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mas mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o paksa ka bang gustong pag-usapan? Mag-email australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.






