Key Points
- Pinapalakas ng career woman na si Sharon Sonzogna ang immune system ng dalawang anak sa pamamagitan ng pagkain ng prutas at pagpapa-inum ng maraming tubig.
- Ang flu vaccine ay inirerekomenda para sa mga batang may edad 5 pababa, may mga chronic disease, 50 taong gulang pataas at health care workers.
- Ang flu vaccine ay tumutulong para hindi lumubha ang kondisyon at magkaroon ng komplikasyon dahil sa virus.
- Karaniwang sintomas ng flu ang lagnat, sipon, ubo, pananakit ng lalamunan at kalamnan, pangangalay, at sakit ng ulo.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.