Isang grupong pinamumunuan ng Australya ang nakatalagang manalo ng hanggang isang milyong dolyar para sa kanilang trabahong pagbibigay ng solar power sa mga mahihirap na lugar sa India. Larawan: Iniilawan ang isang tent sa isang mahirap na lugar sa Bengaluru sa pamamagitan ng solar power (SBS)
Ang Australyanong kumpanyang "Pollinate Energy," ay isa sa 27 kumpanyang kasali sa pandaigdigang kumpetisyon na magbibigay ng gawad sa mga gumagamit ng negosyo upang makagawa ng positibong pagbabago.
Ang kumpanya ay may punong himpilan sa siyudad ng Bangalore sa India, na kilala ngayon sa kanyang opisyal na pangalang Bengalaru.
Share




