Hindi siya isang Wesley So, kahit pa man isang Eugene Torre. Ang pangalan niya ay maaring ni hindi pamilyar sa malaking komunidad ng mga Pilipino na naglalaro ng chess subalit si Donato Mallari ay gumawa ng kasaysayan para maging kauna-unahang lalaking Pilipino na nabigyan ng titulo ng FIDE, ang pang-dagidigang pederasyon ng Chess, sa Australya Larawan: FIDE Master Donato Mallari, kanan, at ang kanyang ka-partner sa pagsasanay Jesson Montenegro
Dumalaw sa studio si Donato Mallari, na isang enhiyero at ama ng anim na anak, kasama ang kanyang training partner na si Jesson Montenegro at pinag-usapan ang bagong titulo ni Mallari.
(Paalala: Ang Filipino-Australian Jesse Sales ay isa nang international master nang siya ay mag-maygreyt sa Australia at ang FIDE International Women Master Arianne Caoili ang kauna-unahang Pilipino na nagawaran ng titulo)

Share




