Pagbabalik sa kalikasan ng isang Pinoy hiking group

hiking, restrictions easing, bushwalking

The Pinoy Weekend Walkers Source: Pinoy Weekend Walkers in Sydney

Pagkatapos ng ilang buwang pananatili sa loob ng bahay, masayang bumalik sa kalikasan ang isang Pinoy hiking group pagkatapos lumuwag ang mga restrictions sa NSW.


"Every week, my partner [Lyff Ibea] and I took nature walks together; then we decided to invite other people. More and more people joined," saad ni Emil Lunasco.
hiking, restrictions easing, bushwalking
Partners Lyff Ibea [L] and Emil Lunasco [R] Source: Emil Lunasco
Ng padami ng padami ang mga sumasali sa kanila, pinagdesisyunan ng grupo na gawing opisyal ang grupo. Tinawag nila itong Pinoy Weekend Walkers in Sydney.


Highlights

  • Sumasali ang mga grupo para magkaroon mg mga bagong kaibigan 
  • Masayan ang grupo sa pagluwag ng restrictions
  • Nakaramdam sila ng 'normalcy' ng makabalik sila sa kalikasan

Bago ang pandemic

Mahilig mamasyal ang grupo sa Royal National Park, tabing-dagat at iba pang mga kilalang lugar.

Ayon kay Lyff, "When you’re with Mother Nature, it's like your stress disappears. Some in our group need that. Some also want to lose weight. Some want to explore. But it seems the common denominator is our members want to gain more friends."
hiking, restrictions easing, bushwalking
"It seems the common denominator is our members want to gain more friends." Source: Pinoy Weekend Walkers in Sydney
Ang pagkakaroon ng kaibigan ang naging layunin ng mga miyembro na sina Patty Yousif at Alyssa Baduya.

"I had friends from work but I also wanted to meet other Filipinos. I browsed through Facebook and found this group," saad ni Patty.
hiking, restrictions easing, bushwalking
"I had friends from work but I also wanted to meet other Filipinos." Source: Pinoy Weekend Walkers in Sydney
Aminado si Alyssa na siya'y naging "a bit shy during [her] first trek with the group". Ngayon, mayroon na siyang mga bagong kaibigan at regular na plano tuwing linggo.

Ngunit, natigil lahat ng kanilang planong lakad ng sumabog ang pandemic.

Pagluwag ng restrictions

"When it was announced on May 10 that restrictions were easing and we were allowed to go out, we were all so excited. We started making plans on where to go," saad ni Patty.
hiking, restrictions easing, bushwalking
A hike with friends Source: Pinoy Weekend Walkers in Sydney
"Everyone was so eager to attend because we've all be cooped up at home. So many attended the first trek!" dagdag ni Emil.

Dahil mahigit sa 10 ang dumalo, kinailangang hatiin ang grupo upang makasunod sa patakaran ng gobyerno ngayon.
hiking, restrictions easing, bushwalking
"Being able to trek again with our friends made me more appreciative." Source: Pinoy Weekend Walkers in Sydney
"Being able to trek again with our friends made me more appreciative. It was nice to be able to escape for a little bit again," saad ni Lyff.

Dagdag ni Emil dito, "It brought back a sense of normalcy to us. This was our activity. We invite people to come walk with us again."

BASAHIN / PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagbabalik sa kalikasan ng isang Pinoy hiking group | SBS Filipino