'Bestfriend ng mga guest': Pasilip sa mundo ng concierge mula sa tatlong Pilipino sa Sydney na nagtatrabaho sa industriya

The only three Filipino members of the elite hotel concierge society, Le Clefs d'Or Australia - Robin Marundan, Christopher Ables, and Jason Aberin (State Director of NSW and ACT) who pride themselves for their passion in serving their respective hotel guests in Sydney.

The only three Filipino members of the elite hotel concierge society, Le Clefs d'Or Australia - Robin Marundan, Christopher Ables, and Jason Aberin (State Director of NSW and ACT), who pride themselves on their passion for serving their guests from their respective hotels in Sydney. Credit: Supplied by Christopher Ables

Itinuturing nila ang kanilang mga sarili bilang matalik na kaagapay ng mga panauhin sa mga hotel na kanilang pinaglilingkuran sa Sydney. Sila ang natatanging tatlong Pilipinong kasapi ng prestihiyosong samahan ng mga hotel concierge sa buong Australia.


Key Points
  • Mula sa pagiging mga baguhan sa pinakamababang posisyon ng concierge team, matagumpay na nakaakyat sa kani-kanilang mga tungkulin sina Jason Aberin, Christopher Ables, at Robin Marundan.
  • Bilang mga lider ng concierge sa mga five star hotel na kanilang pinagta-trabahuan, ipinagmamalaki ng tatlo kung gaano nilang pinagsikapan at patuloy na pinaghuhusay ang kanilang mga posisyon.
  • Payo nila sa mga nagsisimula pa lamang sa industriya, tulad ng mga porter, commissioners, at valet parking attendants, na pagbutihin ang sarili at huwag tumigil sa pag-abot sa pangarap.
Kadalasan na sila ang unang point of contact o nakaka-ugnayan ng mga panauhin ng isang hotel bago pa man ang mismong pagdating nila.

Pinapatibay nila ang relasyon ng kanilang kumpanya sa mga hotel guest at maaasahan sa kanilang mga pangangailangan tulad ng room at tour booking, reservation at pinagkakatiwalaan ang kanilang mga rekomendasyon para sa mga aktibidad.
Some of the members of the Australian elite hotel concierge society, Le Clefs d'Or.
Some of the members of the Australian elite hotel concierge society, Le Clefs d'Or. Credit: Le Clefs d'Or Australia (Facebook)
"For me, ang concierge ang bestfriend ng mga guest, whether you're a regular guest, special VIP, celebrity or politician.

As a concierge, you are the ambassador of your hotel. You always represent the standards of your hotel," pagbibigay-diin ni Robin Marundan, isang Chief Concierge sa kanyang pinagta-trabuhang hotel sa Sydney.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand