KEY POINTS
- Ang kalinisan ay dapat maging pangunahing pag-aalala para sa bawat tahanan ngayong panahon ng taglamig upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
- Ang mga bagay na madalas hawakan ay nagdadala ng pinakamataas na panganib ng kontaminasyon tulad ng remote control, switch ng ilaw, doorknob, manibela, toilet at iba pa.
- Hinihikayat ang mga may-ari na magkaroon ng masusing paglilinis ng kanilang tahanan nang hindi bababa sa isang beses kada linggo upang mapanatiling malinis ang bahay.
Sa isang panayam sa SBS Filipino, sinabi ni Em Rama ng Top job cleaning services na naniniwala siya na dapat prayoridad ng bawat Australyano ang malinis na bahay upang iwas sa mga sakit-sakit.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.