Key Points
- Umaasa ang pamahalaan na babalik ang bilang bago pa man nagkaroon ng pandemya lalo pa at matindi ang naging pagbagsak ng mga numero noong 2020 hanggang 2021 dahil sa mga restriksyon na bunsod ng COVID-19.
- Bagaman may mga senyales na magbabalik na sa normal ang bilang ng migrasyon, inaasahang kulang pa din ng aabot sa kalahating milyong migrante ang Australia sa taong 2025 hanggang 2026.
- Sa nasabing pag-aaral, tataas ang median age mula sa edad na 38.4 sa lampas 40 sa loob ng isang dekada.