Key Points
- Ang bladder leakage ay itinuring na "silence syndrome" kung saan natuklasan sa bagong pananaliksik na isang-kapat ng mga ina ay hindi ipinapaalam ang kanilang kondisyon sa sinuman o kaya nagpatingin sa doktor.
- Sa bagong pananaliksik lumabas na may dulot na negatibong mga damdamin tulad ng pagkabahala, hiya, at pakiramdam ng kawalan ng kontrol sa kanilang katawan dahilan upang ang mga kababaihan ay malungkot at naglilihim.
- Inilunsad ng Poise ang Poise Pelvic Floor Support Hub kung saan nagbibigay ng libre at madaling ma-access na 12 week Stronger Pelvic Floor Program.
Hindi madali ang pagbubuntis ng single mum na si Clarence Lacson mula San Fernando Pampanga sa Pilipinas pero ngayon ay nakipagsapalaran dito sa Sydney bilang isang international student.
Kahit labing apat na taon na ang nakalipas pero klaro pa sa isipan ni 34 taong gulang na si Clarence ang pait na kanyang dinanas.
“Hirap ako matulog, palagi akong nai-ihi minsan nasa trabaho ako nai-ihi na ako hindi pa ako nakaabot sa toilet basa na ang pantalon ko, kaya may baon akong damit , sabon at pamunas,” nakakatawang kwento nito.
Ayon kay Caitlin Dunsford, isang Physiotherapist bagama't karaniwang nakakaranas ng bladder leakage ang mga kababaihan pero hindi kailangang magtiis dahil mayroon itong lunas.
Kinakailangan lang na pumunta sa doktor o mga dalubhasa tulad niya.
"We created progressive pelvic floor workouts to help women gain awareness of what's involved in pelvic muscle floor training, there are 6 videos to follow for free and easy to access by all women. The Stronger Pelvic Floor Program helps women achieve a stronger pelvic floor and reduce bladder leakage symptoms."
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.