Nagpapatuloy ang kampanya bago ganapin ang reperendum ng Britanya hinggil sa pagiging bahagi nito sa Unyon ng Yoropeyo, kung saan iniimbestigahan ng kapulisan ang isang kontrobersyal na kampanya sa billboard. Larawan: mga bandila nanatili sa isang kaganapan na pabor sa E-U sa Parliament Square, Central London (AAP)
Ang karatula, na ikinalat ng partidong laban sa imigrasyon at pro-Brexit na kung tawagin ay UKIP ay ipinakita ang mahabang pila ng mga migrante, na may nakasulat na salitang "Breaking Point".
Lumabas ang poster habang ang mga Yoropeyo na nagta-trabaho at namumuhay sa UK ay nag-iisip na kung ano ang ibig sabihin ng exit para sa kanilang kalayaan na maglakbay sa buong E-U.
Share




