Buhay lockdown: Sentimyento ng mga Pinoy sa Sydney na sumailalim sa hard lockdown

Sentimento at karanasan ng mga Pinoy sa lockdown sa Sydney

Sentimento at karanasan ng mga Pinoy sa lockdown sa Sydney. Source: Kathy Cajote, Ann Zonio, Kyla Dabuan

Nasubukan ang katatagan ng mga Pinoy sa ipinatupad na hard lockdown sa maraming lugar sa Sydney.


Highlights
  • Ang panahon ng lockdown ay panahon para maging matatag at palakasin ang pananampalataya sa Diyos
  • Ngayong lockdown, dumiskarte at subukan ang maraming posibilidad na makakayang gawin
  • Buhayin ang koneksyon sa pamilya at gawin ang nagpapasaya sa iyong sarili
Biniyayaan ng kanilang unang supling sila Pastor Ann at Pastor Daniel Zonio. Mag-aanim na buwan na ito ngayong katapusan ng buwan ng Hulyo, pero may kondisyon ang anak na kailangan ang lingguhang physiotherapy session at monitoring sa doktor. Pero ngayong isinailalim sa hard lockdown ang Fairfield Local Government Area kung saan sila sakop, pansamantalang nahinto ang therapy session ng anak.

"Si baby ay merong blood clot sa brain  na stroke sya, apektado ang right side of her body dahil sa lockdown hindi  namin madala  o makapunta dito  ang therapist  so bilang isang ina mahirap sa akin," malungkot na kwento ni Pastor Ann.

Hindi din nito mailabas ng basta-basta dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

"Hindi ko mailabas ang bata, pero kasi nga bawal, sana hindi lang sya dito sa loob ng bahay palagi, kaya palagi akong nananalangin para sa anak ko," dagdag pa ng ina.
Pamilyang Zonio kasama ang nag-iisang anak.
Pastor Ann at Pastor Daniel Zonio kasama ang nag-iisang anak. Source: Pastor Ann Zonio
Aminado si Pastor Ann, wala silang ibang kakapitan lalo na sa kondisyon ng anak at sa dagok na dala ng delta variant dito sa bansa.

 "Our best doctor is God and the best medicine is prayer, kaya talagang kumakapit kami sa Diyos at ang aming pananampalataya as of now okay naman si baby kailangan lang palakasin yong right side ng body nya, kaya pinanalangin ko talaga araw araw ang anak ko." 

Gusto din ng mag asawa na mabakunahan na para makatulong na hindi na kumalat ang virus, at maproteksyunan din ang mga kanilang mga mahal sa buhay.

"Bilang isang ina, (umiiyak) gusto natin maayos ang anak natin, ang buti ng Panginoong Diyos, kaya nagpapasalamat ako kasama ng aking pamilya na marami ang nagdadasal para sa amin kasama ang aming church na kinabibilangan, talagang biyaya ng Diyos itong lahat," buong pusong kwento ni Pastor Ann. 

Kaya panalangin  nila hindi na lumala pa ang sitwasyon ng virus para tuloy-tuloy na ang paggaling ng kanilang nag-iisang anak.

Samantala dalawang taon na sa isang aged residential care nagtatrabaho si Kathy Cajote na sakop ng Liverpool LGA. Bilang nurse, todo ingat ito sa sarili na hindi mahawaan ng virus kaya nang panahon na para magpa-vaccine, hindi na ito nagdalawang isip.

" It is very important to be patient at the same time follow the government's advise doing the right will definitely safe lives," kwento ni Kathy.
My Big Day
My Big Day Source: Kathy Cajote
Nang isinailalim sa hard lockdown ang kanilang lugar na pinagtatrabahuan, mas naging maingat sila na hindi magdala ng virus.

Aminado itong mas malaki ang hamon na kanilang hinaharap lalo na sa sitwasyon ng kanilang mga residente.

"Since family of the residents won't be able to visit them, the residents express their emotions to the staff and it's very challenging on our part." 

At kahit binigyan na sila ng maraming oras para magtrabaho dahil sa pandemya. Nag-aalangan pa din si Kathy na kumuha ng maraming shifts sa trabaho .

"As much as I want to, I don't want to take extra shifts since I don't drive, my risk to be expose outside is higher than those who drive, as of the moment I'm happy with my income even if it's not that big," dagdag ni Kathy.
Kathy kasama ang kanyang ka-trabaho sa aged care facility.
Kathy kasama ang kanyang ka-trabaho sa aged care facility. Source: Kathy Cajote
Dahil nga lockdown, matagal na itong hindi  nakapasyal at gawin ang hilig nitong pagkanta kasama ang kanyang banda. Kaya ngayon kabonding lang nya ang mga kasama nito sa bahay.

"My social life has been impacted by lockdown I was not able to go out exploring the city and going to beaches.It's sad but we need to abide by the rules."

Gaya ni Kathy na nag-iingat para makatulong na hindi kumalat ang virus, may panawagan din sya sa lahat na huwag maging pasaway, hindi din nya napililang mag-react sa nangyaring anti-lockdown protest sa dito sa Sydney.

 "When I saw the video I was upset...because for those who are doing their best to abide with the rules including myself, these people are being selfish and impatient. I hope they will face serious consequence," dagdag pa ng frontliner.

Lubusang naapektuhan ang construction industry sa Sydney, matapos pansamantalang pinatigil ng gobyerno ang kanilang operasyon dahil sa delta variant na virus.

Isa sa apektado ang itatago natin sa pangalang si Jaime. Dahil bawal lumabas ang hindi essential ang trabaho, nakisuyo sya sa kakilala para magtrabaho sa isang sea food supplier, dagdag kita din para padala sa pamilya sa Pilipinas.

"Mag-2 weeks na akong walang trabaho, kaya naghanap ako ng essential work, nagtrabaho ako sa seafood supplier kasi kailangan kong magpadala ng pera sa Pilipinas at hindi din ako sanay na walang trabaho na nasa bahay lang," kwento ng tradie. 

Isang linggo ng hindi pinapasok  sa kanyang regular na trabaho bilang general hand sa isang furniture factory  sa may Blacktown dito sa Sydney ang 21-anyos na si Kyla Dabuan. Resulta ito ng mas pinaigting na lockdown sa kanilang lugar.

"We had a meeting with the owner of the factory, we were told that the factory has to shutdown for a week... but luckily I have second job, a part-time barista in Starbucks at Mount Druitt. Yeah the cafe is still open but only for drive-thru," kwento ni Kyla.
Si Kyla sa kanyang pinagtatrabahuang furniture factory sa Blacktown.
Si Kyla sa kanyang pinagtatrabahuang furniture factory sa Blacktown. Source: Kyla Dabuan
Dalawang taon na independent si Kyla, at nagsikap ito para  matuto sa buhay at makapag-ipon para sa susunod na taon. At dahil malayo sa pamilya, marami na din syang naging mga kaibigan, pero ngayong lockdown pinili nyang gawin ang tama.
Si Kyla kasama ang kanyang ka-trabaho sa Starbucks Mt. Druitt
Si Kyla kasama ang kanyang ka-trabaho sa Starbucks Mount. Druitt Source: Kyla Dabuan
"Wala munang pasyal-pasyal talaga, most of the time I stayed home. Its a chance for me to do what I love, reading books, listening to my favourite podcasts and learning new menus," dagdag ng dalaga.

Kahit pa nawalan sya ng income ngayong may pandemya, ayon sa dalaga marami pa din syang dapat ipagpapasalamat.
Kyla Dabuan
Source: Kyla Dabuan
"Staying connected with family and friends online has been helpful, checking on them is very important. I believe prayer is powerful, it's a good way also to remind us that we are not alone in this."

Subok na ng panahon na hindi madaling kalaban ang hindi nakikitang kaaway. Kaya gawin ang payo ng mga eksperto, dahil napag-aralan na nila it. At naniniwala din ang lahat na walang imposible kung lahat ay magka-isa  na sugpuin at makontrol ang pagkalat ng virus.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand