Dineklara ng National Ulama Conference of the Philippines na "un-islamic" at di-makatao ang pamumugot ng ulo ng Abu Sayyaf sa isang Kanadyan na kinidnap pagkatapos di-magbayad ng tubos: dalawang lider pa na taga-Mindanao pinili ng nahalal na Pangulo Rodrigo R. Dutere para maging bahagi ng kanyang gabinete; mahigit 90 drugpusher boluntaryong sumuko sa South Cotabato sa kapulisan; Apatnapu-isang opisyal ng kapulisan sa Hilagang Mindanao tinanggal sa serbisyo dahil di pumasa sa sapilitang pagsusuri sa paggamit ng ilegal na gamot; Ang triathlete na Ingemar "Pinoy Aquaman" Macarine ng Surigao de Norte gumawa na naman ng kasaysayan pagtapos ng paglalangoy ng solo sa pag-itan ng Cebu at Bohol.
Pagpugot ng ulo ng Canadian di-maka-islam:NUCP
Mindanao news. Buod ng pinaka-huling ulat mula re rehiyon hatid ni Allen Estabillo Larawan: Mga Muslim nagdarasal sa loob ng moske para sa simula ng Ramadan (MindaNews/Toto Lozano
Share


