Key Points
- Ilan sa mga uri ng employment sa Australia ay permanent full-time, permanent part-time, casual at contract.
- Paliwanag ng Employment Lawyer na may mga pagkakaiba sa termino na gamit sa Australia at Pilipinas.
- Isa sa mga gamit sa Pilipinas na termino ang ‘regular’ na maihahalintulad sa ‘permanent’ sa Australia bagaman may mga ilang pagkakaiba.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam kay Employment Lawyer Charlie Bulos, hinimay nito ang detalye ng pagiging isang permanent full-time, permanent part-time, casual at contract.

Employment Law expert Charlie Bulos
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.