Nagluluksa ang komunidad sa Central Coast sa pagpanaw ng 18 anyos na manlalaro ng basketball na si Riahne “Chuckie” Vasquez, na nalunod sa Soldiers Beach. Nagtipon ang kanyang pamilya, kaibigan, at komunidad ng basketball upang parangalan at alalahanin ang kanyang buhay at naiambag.
Key Points
- Si Riahne “Chuckie” Vasquez ay isang umuusbong na talento sa basketball at minamahal na miyembro ng Central Coast Waves at Higgins Crew, kilala sa kanyang kabaitan, dedikasyon, at sportsmanship.
- Ayon sa mga awtoridad, inanod siya ng malakas na alon noong Linggo ng gabi, at natagpuan ang kanyang katawan kinabukasan matapos ang malawakang search operation ng pulisya at rescue teams.
- Ginanap ang isang tribute sa Niagara Park Stadium kung saan nagtipon ang kanyang mga kakampi, kaibigan, at tagasuporta upang ipagdiwang ang kanyang buhay, nag-alay ng panalangin, kandila, at mga mensahe ng pasasalamat at alaala.


📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





