Maaaring ito ay mukhang simple at nakakatawa ngunit ito ay kung paano nagsimula ang mga bata mula Central Coast na sina Jardean at Jade Hinchliffe sa "busking" sa kanilang mga lokal na lugar pitong taon na ang nakakaraan at mula noon ay kanila na itong ginagawa.
Habang ang ibang mga kabataan ay nag-iisip pa rin kung ano ang nais nilang maging sa pagtanda nila, ang magkapatid na Jardean, 14, at Jade, 11, ay parehong nasa landas na upang matupad ang kanilang mga pangarap sa musika habang ibinabahagi nila ang kanilang paglalakbay sa musika.
Si Jardean, isang Year 8 na mag-aaral sa Newtown Performing School, ay tumutugtog ng gitara at nagsusulat ng sarili niyang mga awit; habang si Jade, na papasok din bilang Year 7 sa parehong paaralan ng kanyang kapatid, ay mahilig naman sa piyano at umaasa na sumulat din ang kanyang sariling mga awit.
Panoorin ang cover nina Jarden and Jade ng awitin "Never Tear Us Apart ng INXS.