Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging Australian? Sa usaping pampulitika, ginagamit ang citizenship bilang batayan kung sino ang itinuturing na kabilang at sino ang hindi. Pero sa iba’t ibang panig ng mundo, mas komplikado ang citizenship kaysa sa simpleng tanong kung sino ang “kasama” at sino ang “hindi.”
Dalawampung taon nang tahanan ni Henriette ang Australia matapos siyang lumipat mula sa Netherlands.
Bilang isang permanent resident, maaari siyang manatili sa Australia nang walang takdang panahon, magtrabaho at mag-aral, magpatala sa Medicare, mag-apply para sa bank loan upang makabili ng property, i-sponsor ang mga kwalipikadong kamag-anak para sa permanent residency, at mag-apply para sa Australian citizenship.
Ngunit sa kaso ni Henriette, hindi siya nagbabalak na mag-apply para sa Australian citizenship dahil nangangahulugan ito ng pagkawala ng kanyang Dutch citizenship.
May mahigpit na limitasyon ang Netherlands sa pagkakaroon ng dual citizenship. Dahil dito, kung magiging Australian citizen si Henriette, awtomatiko niyang mawawala ang kanyang Dutch nationality.
"I'm in Australia all by myself, and that means that for me, the people that I love are in the Netherlands. And by giving up my citizenship in the Netherlands, if I then would go (back) to take care of my elderly parents or for any other reason, I could never stay for longer than three months," pahayag niya sa SBS Examines.
Bakit pinipili ng ilang migranteng maging Australian citizen, habang ang iba naman ay pinipiling huwag? Sa episode na ito, aalamin natin ang mga dahilan sa likod ng mga desisyong ito at tatanungin: ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng citizenship?
Ang episode na ito ay ginawa sa pakikipagtulungan ng SBS Dutch at SBS Cantonese.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





