Ilang pangamba sa pagbabalik sa trabaho matapos ng dagdag na pagluluwag sa mga restriksyon

Coronavirus

Contemplating on the uncertainty the global pandemic has brought to the world. Source: Nicole Johnson

Sa karagdagang paggaan ng mga paghihigpit, ang ilan ay nakakaramdam ng pagkabahala na bumalik sa lugar-trabaho na may takot sa "second wave" ng COVID-19.


Ang karagdagang pag-relaks ng mga restriksyon ng coronavirus mula Lunes, Hunyo 1, sa ilang mga estado, ay isang magandang balita para sa maraming mga negosyo tulad ng mga pub at beauty salon. Ngunit may ilan na nakakaramdam ng pagkabalisa na bumalik na sa opisina para doon magtrabaho.

"I have to take care of not only myself, but more importantly my father who is in that age group which is at most risk of COVID-19," may pag-aalalang pagbabahagi ni Nicole Johnson.


Highlight

  • Mula Lunes, Hunyo 1, mas maraming mga paghihigpit ang babawasan sa buong Australia, na papahintulutan ang mga pub, beauty salon at museo na magbukas muli sa ilang mga estado.

  • Bagaman ang mas magaan na mga paghihigpit ng COVID-19 ay tinatanggap ng maraming mga negosyo, mayroong mga miyembro ng publiko na nakakaramdam ng pagkabalisa.

  • Ang mahigpit na pagsunod sa mga hakbang ng social distancing at personal hygiene ay kinakailangan pa rin upang maiwasan na mangyari ang "second wave" coronavirus.

 


 

Ang kumpanya ni Bb. Johnson, tulad ng marami pang iba, ay nagpasya na pag-trabahuin ang mga empleyado nito mula sa bahay mula nang ipatupad ang mahigpit na mga paghihigpit sa coronavirus.

"I am one of those people who would wear mask and hand gloves when I go out because I fear I would contract the virus and pass it on to my dad."
Coronavirus
Assistant Strata Manager Nicole Johnson in her usual office attire (left photo) and while working from home during the coronavirus restrictions. Source: Supplied
Matapos ang mahigit 8 linggo ng pagta-trabaho mula sa bahay, si Nicole Johnson, na isang Assistant Strata Manager & Compliance Officer, ay nananatiling nangangamba na magbalik sa kanilang opisina.

"I'm just conscious of my surroundings and some people may tend to be ignorant and go back to their old ways," bigay-diin ni Bb. Johnson, at idinadagdag na natatakot siya na magkaroon ng "second wave" ng virus kung hindi manatiling maingat ang mga tao at sundin ang mga pag-iingat.


 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Ilang pangamba sa pagbabalik sa trabaho matapos ng dagdag na pagluluwag sa mga restriksyon | SBS Filipino