Isang bagong ulat ang nagdo-dokumento kung paanong libu-libong kabataan sa Indonesia - ang ilan ay nasa walong taong gulang - ay nalalason sa mga taniman ng tabako, sa pagta-trabaho sa mga mapanganib na kondisyon. Larawan: Mga bata
Sinabi ng Human Rights Watch na ang mga kumpanya ng tabako ay kumikita ng malaking salapi mula sa mga batang manggagawa sa Indonesya - at ang pamahalaan ay hindi gumagawa ng sapat na hakbang para ipaalam sa mga pamilya ang tungkol sa panganib na kalakip nito.
Dalawang malaking multinasyunal na kumpanya ang may operasyon sa Indonesya- ang Philip Morris International at British American Tobacco - na ang mga produkto ay nasa merkado rin ng Australya.
Share




