Dahil sa pagdami ng bilang ng mga Filipino sa South Australia, nagpaplano si Consul General Maria Lourdes Salcedo na dagdagan ang mga pagkakataon ng mobile consular service outreach sa estado.
Key Points
- Sa ginanap na consular service outreach noong Setyembre sa Adelaide ng Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, umabot sa mahigit 400 ang naserbisyuhan.
- Bukod sa aplikasyon ng pasaporte, nagkaroon din ng panunumpa ang mga kumuha ng dual citizenship.
- Nakipagkita din ang Consul General Maria Lourdes Salcedo sa komunidad ng mga Pinoy sa South Australia at tinalakay ang ilang isyu.
- Magsasagawa din ang Konsulado ng Post-Arrival Orientation Seminar sa mga OFW na kakarating lang sa Victoria sa pakikipagtulungan sa Philippine Overseas Labour Office (POLO) at Migrant Workers Centre.

Share




