Pagbibigay ng inspirasyon ng mga bayani ng COVID-19 sa mas batang henerasyon

International Nurses Day

Proud children, (from right) Joanna, Isidro and Ysabella Alfonso, for the great work that their mum, Mary Ann, does as a nurse, Source: Supplied

"I’ve seen the frontline, how nurses are with COVID-19 and the work that they are doing during this pandemic. It's really inspiring how strong the nurses are and how important their work is."


Ganito inilarawan ng Assistant in Nursing (AIN) student na si Joanna Alfonso kung gaano kahalaga ang trabaho ng mga nars ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

"To be able to push through in a situation like this is really inspiring. They (nurses) are doing the best work right now and it’s all gonna push through in the end and it’s because of them that we’re gonna get through this," saad ng 3rd year AIN student na ngayon nagta-trabaho sa Westmead Hospital, kung saan matatagpuan ang isa sa mga COVID-19 clinic sa NSW.

Hindi na bago kay Joanna Alfonso ang pagiging nars. Ang kanyang ina na si Mary Ann, na 25 taon ng registered nurse, ay siyang pinakamalaking motibasyon niya ngayon na siya'y nagta-trabaho bilang isang AIN.
Ang kapatid na lalaki ni Bb. Alfonso na si Isidro ay pinag-iisipan din na subukan muna ang nursing bago pumasok sa medical school. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Psychology.

"Hopefully after Psychology I will be doing med school and one of my goals is to try nursing out first before I go to med school and my mum was like, you’re just going straight into nursing. I think it’s inevitable," ani ni Isidro.
Enfermeiras do hospital de Blacktown, Sydney, a celebrarem o Dia International da EnfermeiraInternational Nurses Day
Mary Ann Alfonso (seated, right) with fellow registered nurses at Blacktown Hospital C63 ward. Source: Supplied
"These guys (nurses) are frontliners right now and they are taking charge in the fight against the virus, they are working more hours. I am just very proud of my mum, who is nurse. She’s a very hard worker and you can tell that her patients love her", buong galak na pagbabahagi ng anak ng nars.

Kasama nina Joanna at Isidro ang kanilang bunsong kapatid na si Ysabella na lubos na ipinagmamalaki ang kanilang ina at ang lahat ng nars sa kanilang walang humpay na pagsisilbi ngayong panahon ng pandemya.

"They are very brave and taking risks knowing they might get sick but they still do it because they want to help people,” papuri ni Ysabella sa mahalagang papel ng mga nars ngayong panahon ng krisis.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagbibigay ng inspirasyon ng mga bayani ng COVID-19 sa mas batang henerasyon | SBS Filipino