Ilang sektor ang nanawagan na dagdagan ang budget at bawasan ang red tape sa pagpapabilis ng pagproseso ng visa bilang tugon sa matinding kakulangan sa manggagawa.
Key Points
- Mula sa mga factory, farm, GP clinics, classroom at iba pa, patuloy ang kritikal na problema ng kakulangan sa manggagawa sa buong Australya.
- Nangako na ang gobyerno ng 36 million dollars upang kumuha ng dagdag na limandaang staff sa loob ng siyam na buwan para mapabilis ang proseso ng mga visa.
- Ayon sa Immigration expert na si Abul Rizvi, mas maraming aksyon pa anya ang kinakailangan dahil hindi anya sasapat ito sa tinaguriang 'broken system'.

Share




