Debosyon ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno, ipinapasa sa iba’t ibang henerasyon

'In 1995, Dr Gus Tablante requested a life-sized replica of the Poong Nazareno from Quiapo Church and from then on their family and members of the Filipino community in Sydney have been celebrating the Feast of the Black Nazarene.'

'In 1995, Dr Gus Tablante requested a life-sized replica of the Poong Nazareno from Quiapo Church and from then on their family and members of the Filipino community in Sydney have been celebrating the Feast of the Black Nazarene.' Credit: The Black Nazarene Group Sydney as supplied by Ian Epondulan

Tatlong henerasyon na ng pamilya Tablante-Epondulan ang nag-aalay ng kanilang debosyon sa isa sa itinuturing na pinakamalaking pinag-aalayan ng paniniwala ng maraming Katolikong Pilipino.


Kinalakihan ni Ian Epondulan ang debosyon ng kanilang pamilya at mga kaanak sa Itim na Nazareno.

Dalawang taon lamang siya nang simulan ng kanyang mga tiyuhin, tiyahin at magulang ang Feast of the Black Nazarene sa Sydney.

“In 1995, my uncle Dr Gus Tablante requested a life-sized replica of the Poong Nazareno from Quiapo Church,” kwento ni Ian.

Mula noon taunang ipagdiwang ng pamilya Tablante ang Pista ng Poong Nazareno tuwing ikalawang araw ng Linggo sa buwan ng Enero sa Good Shepherd Catholic Church sa Hoxton Park, sa kanlurang Sydney.

Naniniwala ang 30-taong gulang na bagong ama, na tungkulin nila bilang batang henerasyon na maipagpatuloy ang kanilang paniniwala at maibahagi ito sa iba.

“As a devotee for the Black Nazarene, from a younger generation, what’s more important for me is the devotion that should continue to develop our faith.”

“This devotion to the Black Nazarene will always remain and will be passed on to my kids because this devotion has always been a blessing in our lives as a family.”
Ian and Michelle Epondulan.jpg
Ian and Michelle Epondulan Credit: Supplied
Nitong Enero lamang, ipinanganak ng misis ni Ian ang kanilang kambal na panganay.

“As a young person of faith, we have the responsibility to uphold the Filipino roots and culture to our family and extend that not only to the Filipinos but also to non-Filipinos and the wider Church.” 

“Our devotion to the Black Nazarene is something that is relevant for us to express our way of love of God and neighbours,” anang nakababatang Epondulan.


Ang mga unang selebrasyon ay nagsimula lamang sa mga myembro ng kanilang pamilya hanggang sa dumami na rin ang kanilang mga kaanak na nasa Sydney at mga kaibigan na nakikilahok sa kapistahan.



Sa ngayon, higit 100 ang aktibo na kasama sa selebrasyon ng Pista at tinatawag nila ang kanilang grupo na Black Nazarene Group Sydney.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand