Hinimok ng Pangulo ang iba’t-ibang sektor at inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na tulungang makaahon ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs na naapektuhan ng COVID-19 sa pamamagitan ng tulong pinansyal at zero interest rate sa kanilang pagkakautang.
“Nananawagan po ako sa ating mga lessors, malasakit at Bayanihan po sana ang pairalin natin ngayon. This is not the time to drive away lessees.”
“During normal times they were the primary source of your income stream. Now, it’s time to be fair and compassionate.”
Pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 pagdating ng Setyembre
Ayon sa Pangulo, palalakasin din ang health care system sa bansa sa pamamagitan ng pagkuha at pag-deploy sa mga probinsya ng mahigit 20,000 health professionals.
Hinggil naman sa pag-aaral sa gitna ng COVID pandemic, sinabi ng Pangulong Duterte na walang face-to-face classes na magaganap hanggang magkaroon ng bakuna o gamot sa COVID-19.
“I would allow the face-to-face classes to resume. But we were talking actually of January because my thinking is that by September, we would have the vaccine.”
Isusulong pa rin daw ang blended learning at maglalagay ng IT department sa mas maraming eskwelahan sa bansa.
Pagtutol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN
Mayroon ding binatikos ang Pangulo sa kanyang SONA gaya ni Senador Franklin Drilon, mga telecommnications companies at may sinabi rin siya tungkol sa pamilya Lopez ng ABS-CBN.
Tinukoy ng Pangulo ang pagbatikos ni Senador Drilon sa political dynasty at ibinigay na halimbawa ang mga anak ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, ginawa ito ni Drilon matapos na hindi nabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
“One of them is Senator Frank Drilon. In an interview, he arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then he linked the anti-dynasty system with oligarchy and the topic was my daughter and son.”
“This happened after the Committee on Franchise voted 70-11 to deny the grant of franchise to ABS-CBN. Obviously, he was defending the Lopezes that they are not oligarchs.”
Ayon sa Pangulo, biktima siya ng ABS-CBN noong 2016 presidential elections.
“Media is a powerful tool in the hands of oligarchs like the Lopezes who used their media outlets in their battles with political figures.”
“I am a casualty of the Lopezes during the 2016 election.”
Pag-aayos sa serbisyo ng mga telecommunications company
Binalaan din ng Pangulo ang mga telecommunications companies sa bansa na ayusin ang kanilang serbisyo hanggang sa Disyembre.
Kung hindi, ipasasara raw niya ang mga iyon.
“Improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem. Better have that line cleared.”
Pagsusulong ng death penalty
Isinulong din ng Pangulo na muling buhayin ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga kasong may kaugnayan sa droga.
“I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous [Drugs] Act of 2002.”
“I did not hear so much clapping so I presume that they are not interested.”
Nabanggit din ng Pangulo ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika at China.
Ayon sa Pangulo, hindi siya papayag na magkaroon muli ng foreign military bases sa Pilipinas.
‘China has the arms, we do not have it’
Inamin ng Pangulong Duterte na inutil ang Pilipinas pagdating sa usapin ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon sa pangulo, para sa kanya, mas maigi pa ring idaan sa diplomasya ang problema dahil may armas ang China kumpara sa Pilipinas.
“Plenty of critics, both sides, claim about nothing has been done to retake forcefully or physically the South China Sea.”
“Unless we are prepared to go to war, I would suggest that we better just call off and treat this, I said, with diplomatic endeavors.”
“China is claiming it. We are claiming it. China has the arms, we do not have it.”
Tumagal ng isang oras at 20 minuto ang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte.
Naging payapa naman ang mga kilos protesta na isinagawa lamang sa campus ng University of the Phlippines sa Quezon City at tumagal ng dalawang oras.
Pinayagan ito ng mga otoridad pero tiniyak nilang nasunod ang mga health protocol bilang pag-iingat sa COVID-19.
BASAHIN/PAKINGGAN DIN



