Ang parlamento ng Commonwealth ng Australya, o ang pampederal na Parlamento, ay binubuo ng dalawang bahagi: ang Mababang Kapulungan at ang Senado. Ang dalawang bahagi ay parehong inihahalal, ng mga mamamayan ng Australya. Larawan: Ang itsura ng Senado sa Parliament House sa Canberra (AAP)
Ang trabaho ng Senado ay upang kumatawan ng pantay sa mga estado at upang suriin at baguhin ang mga panukala at desisyon ng Mababang Kapulungan at ng sangay na ehekutibo ng pamahalaan.
Share



