"We want to promote Philippines to other ethnic groups here in Australia," ayon kay G Mauro Somodio, pangulo ng Filipino-Australian Foundation of Queensland, Inc.
Ang pagdiriwang ay gaganapin sa Sunnybank State High School, Boorman St., Queensland sa ika-dalawampu't anim ng Mayo.
Masasaksihan ng mga dadalo ang mga pangunahing inabangan noong nakaraang taon tulad ng parada ng mga nasyon at presentasyon ng mga kandidato para sa Ginoo at Binibining Pilipinas-Australia 2019.
"We still have food stalls, talent shows, games, exhibits and displays," dagdag ni G Somodio.
Sa taong ito, ang mga nag-organisa ay nagdagdag ng mga panibagong aktibidad tulad ng 'bingo' (kung saan ang mananalo ay mabibigyan ng pagkakataong bumiyahe sa Pilipinas at iba't iba pang bansa sa Asya ng libre) at 'zumba' (na bukas sa lahat ng edad, matanda man o bata).
Sa mga nagpaplanong dumalo sa pagdiriwang, sila ay mabibigyan ng pagkakataong matikman ang naiibang litson na inihanda ng mga kalahok na 'Columbians'.
Ang paanyaya ni G Somodio sa lahat: "To all our Philippine organizations listening right now in Queensland and other ethnic communities [in Queensland], and other states of Australia who would like to witness this exciting event for this 'One world, one spirit' Philippine festival on May 26, 2018, you are most welcome to attend and enjoy this festivity."
Alamin pa ang tungkol sa pagdiriwang sa panayam na ito.