Sinabi ni Megan Spindler-Smith, CEO ng People with Disability Australia, na nakararanas ang mga taong may kapansanan ng hindi patas na antas ng karahasan, at maraming kwento nila ang hindi naririnig.
“A lot of it is under reported or poorly captured because the systems are not actually accessible for people with disability to report what they're experiencing”, anila.
Bukod sa pang-aabuso, ang mga taong may kapansanan mula sa migrant background ay maaaring makaranas ng kahihiyan, stereotype, at dagdag na hamon sa pagkuha ng tulong.
Tinatalakay sa episode na ito ng Understanding Hate ang ableism at kung paano malalabanan ang poot laban sa mga taong may kapansanan.