Kamakailan lamang, siya ang nanalo sa ika-19 na linggo ng "Homegrown Superstars", ang unang online singing competition sa Australia tampok ang mga talento mula sa iba't ibang panig ng bansa.
"My dream is to be an international singer. All over the world I want everyone to see what I can do so I can make my name global," ang direktang sagot ng batang manng-aawit tungkol sa kanyang pagiging abala sa musika kahit na sa gitna ng pandemya.
Mga highlight
- Kung nakatutok ka sa pag-abot sa isang pangarap, handa kang gumawa ng paraan para simulang maabot ito.
- Kahit sa gitna ng pandemya, walang makakapigil sa batang si Zaebriel Orayenza sa kanyang pagkanta.
- Abala siya ngayon sa pagsali sa iba't ibang kumpetisyon sa pagkanta online.
Noong nakaraang taon, halos anim na buwan sa South Korea ang batang mang-aawit bilang bahagi ng hit-musical na "School of Rock". Ito ay unang bahagi ng internasyonal na pagtatanghal ng naturang musikal.
"I was part of the School of Rock musical. In Korea, we stayed from May to October, toured and performed in Seoul, Busan, Daegu. I played Tomika," kwento ng 12-taong gulang na mang-aawit mula Sydney.
Nagtanghal din siya sa sarili niyang lungsod bilang bahagi pa rin ng nabanggit na musikal.

Zaebriel Orayenza (2nd from left) in one of their performances in South Korea in May to October 2019. Source: School of Rock as supplied by Raissa Orayenza
"I also performed as part of the musical in my home city of Sydney, and we did that for another 6 months," dagdag niya.
Kasama rin siya sa napili para sa pagtatanghal ng palabasa sa Adelaide sa unang bahagi ng taong 2020, pero dahil sa pandemya hindi na ito natuloy.
At sa gitna ng mga restriksyon sa coronavirus, abala siya ngayon sa pagsali sa mga online singing competition.
Sa murang edad na dalawa, nagsimula na sa pagkanta si Zaebriel Orayenza, ngunit kakaibang karanasan para sa kanya na sumali sa mga kumpetisyon ng pagkanta online.
"It was a great experience because I get to see different talents all over Australia. It's a new experience for me because I haven't really done any online competitions, 'coz it's usually face-to-face, normal competition on stage."
"It's more comfortable for me because I don't have to go out of my house and get changed and be nervous infront of people," pagpapatuloy ng bata.
Mula nang magsimula sa pormal na leksyon sa pagkanta nang siya'y 7-taong gulang, nakapag-labas na ang dalaginding ng sarili niyang titulong album, sumusulat din ito ng sarili niyang awit, at marami nang sinalihan at naipanalong kumpetisyon.

Zaebriel Orayenza's self-titled album, featuring her single 'We are love', which is partially in Filipino language, was released in 2018 prior to her first concert. Source: Facebook/Raissa Orayenza
At payo niya para sa mga katulad na bata na mahilig sa pagkanta, "I want you to strive and follow your dream and no matter whatever happen, I want you to hold on, things will get better and do not give up".
BASAHIN DIN / PAKINGGAN