Pagka-malikhain habang nasa quarantine: Filipino artist gumamit ng mga patapon na bag na papel bilang kanyang canvass

Cheryl Quejada-Canning on arts

Cheryl Quejada-Canning creates artworks using paper bags whilst in quarantine Source: Cheryl Quejada-Canning

Naisip mo ba kung gaano kadaming basura ang naiipon mula sa hotel quarantine kung tatlong beses sa isang araw ang paghahatid pagkain sa mga naka-quarantine? Dito lumabas ang pagkamalikhain ni Cheryl Quejada-Canning. Gamit ang mga naipong paper bag na ginawa niyang canvas, nakabuo siya ng mga paper bag paintings.


Sumailalim sa 2-linggong hotel quarantine si Cheryl Quejada-Canning kasama ang kanyang asawa na si Ken, nang sila'y bumalik sa Australia mula Pilipinas nitong nagdaang Mayo.

Napansin nila ang dami ng basura na naiipon sa bawat araw na ng kanilang pananatili sa hotel. Dahil dito, gumawa ng paraan si Cheryl para hindi masayang ang mga naipong basura. 

"I made used of those recyclable bags we have saved from the food packaging for the food that were being delivered to us while we are at quarantine," anang tubong-Quezon na alagad ng sining.


 Highlights

  • Lumalabas ang pagkamalikhain ng isang tao lalo na sa panahon na wala itong magawa at nakakulong lamang sa iisang lugar.
  • Walang sinayang na oras si Cheryl Quejada-Canning habang siya'y naka-quarantine.
  • Sa kanyang pagkamaparaan - ginamit niyang kambas ang mga patapon na bag na papel bilang para sa kanyang pagguhit.

Cheryl Quejada-Canning on arts
Cheryl was able to collect over 40 used paper bags and repurposed them as canvass for her drawings. Source: Cheryl Quejada-Canning

Habang naka-quarantine

Hindi alintana ng mag-asawang Cheryl at Ken Canning ang dalawang linggo ng hotel quarantine matapos dumating sa Sydney mula Pilipinas noong Mayo 15.

"When I do my art, I pace my own time. I take my time contemplating, then I do my sketches and then I do my writing and before you know it, I’m finished with it."

Kinailangan lamang niya na humanap ng paraan para maging abala habang naghihintay na matapos ang kanilang pananatili sa hotel.

Sa araw-araw, tatlong beses kung sila'y dalhan ng rasyon na pagkain sa kanilang silid. At dahil nanghihinayang sa mga bag na papel na pinaglalagyan ng mga pagkaing inihahatid sa kanila, naisip ni Cheryl na ipunin ang mga ito.

"I'm into repurposing. That's when I realised that I can actually use those paper bags as my canvas," aniya.

Dahil mahilig din sa pag-inom ng kape, naisipan din niya na pwede rin niya itong gamitin sa kanyang pagguhit.

"I used coffee as a substitute for pencils."
Cheryl Quejada-Canning
'I made used of those recyclable bags we have saved from the food packaging for the food that were being delivered to us while we are here at quarantine.' Source: Cheryl Quejada-Canning
Limitado lamang ang kanyang magagawa habang nasa hotel, pero masaya siya na naituloy pa rin ang kanyang sining.

"Because I don’t have my art materials with me, and I just have my oil pastel."

"I believe you have to be creative. You can make use of everything. That’s what artist do anyway," pagbibigay-diin nito.

Masayang pagbabalik Australia

Batid ng mag-asawa ang naranasan nilang 14 na araw na pamamalagi sa hotel quarantine ay bahagi ng pagtiyak ng gobyerno ng Australia na wala silang dalang sakit sa kanilang pagbabalik mula sa Pilipinas.

"I documented my time in quarantine; not many people can do that anyway, so I did it."

"Doing some artworks also helped me get by during our time in quarantine," lahad ni Cheryl Quejada-Canning. 

Walang-wala ang 2 linggo sa hotel kumpara sa 14 na buwan na pagkaipit sa Pilipinas dahil sa pandemya.

Hindi naging madali ang kanilang dinanas para makabalik. 

Anim na beses na nakansela ang kanilang paglipad mula Maynila patungong Sydney,

Masuwerte na nga lang sila at biglaan silang nakakuha ng upuan mula sa eroplano na kanilang sinakyan nang may ilang tao na hindi natuloy sa kanilang pagbiyahe.

Sa ngayon, nakalabas na sa hotel sina Cheryl at Ken Canning pero matatagalan pa bago sila tuluyang maging komportable na lumabas-labas ng bahay at makisalamuha sa ibang tao, lalo na't pareho silang nasanay sa Pilipinas na nasa bahay lamang dahil sa naranasang mga paghihigpit doon.

BASAHIN DIN / PAKINGGAN



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand