Key Points
- Ginawa na ito ng Australia nuon nang ilunsad ang Philippine Business Coalition for Women Empowerment.
- Naka-angkla ang inisyatibong ito sa karanasan sa Australia na nagdudulot ng mas magandang company performance, mas malaking kita at mas mataas na productivity ang pinalawak na partisipasyon ng mga kababaihan sa liderato ng mga kumpanya.
- Nagsagawa ng parehong survey nuong nakaraang taon hinggil dito.
Sa pinakahuling balita sa West Philippine Sea, hindi naaalarma ang Pilipinas sa pagdami ng mga barko ng China sa Ayungin at Escoda Shoal.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesman for the West Philippine Sea, hindi ito maituturing na naval blockade .
Aniya, ang naval blockade ay isang “act of war” na regulated ng international law.
Ayon kay Trinidad, mas akmang tawagin itong illegal, coercive, aggressive, at deceptive o ICAS Act ng China.
Sa ibang balita, nominado muli ang Intramuros sa Maynila bilang world’s leading tourist attraction sa 2024 World Travel Awards.

Intramuros in Manila is nominated for the world’s leading tourist attraction at the 2024 World Travel Awards. Voting is open until October 20,2024 Credit: Volodymyr Goinyk
Kaugnay nito, nananawagan ng suporta ang Intramuros Administration sa publiko na ipakita ang suporta at tumulong para masungkit nila ang pagkilala.

