Key Points
- Isang voluntary code ang binuo ng pamahalaan upang makatulong na gabayan ang mga negosyo na gumagamit ng AI.
- Ang unang bahagi ay tungkol sa mga proseso, tinitiyak na ang mga negosyo ay may sistema ng pamamahala ng mga panganib at ang mga empleyado ay tinuturuan sa paggamit ng AI, sisiguraduhing protektado ang mga data, at nakatago ang mga rekord para sa compliance check.
- Plano rin ng gobyerno na magpatupad ng mandatory code para sa mataas na panganib na paggamit ng AI.
Itinatakda din ng voluntary code ang mga kinakailangan para sa pangangasiwa ng tao, para tiyakin na ang mga kumpanya ay responsible sa sarili nilang paggamit ng AI, kailangan nilang suriin ang mga sistema na kanilang ginagamit, dapat na may taong mangangasiwa, at may oportunidad para hamunin ang mga desisyon na gawa ng AI.
Kailangan namang maging transparent ang mga gumagawa ng AI model tungkol sa kung paano gumagana ang mga ito, at ang mga negosyong gumagawa o gumagamit ng AI ay kailangang makipagtulungan sa mga grupo na maaaring maapektuhan ng mga AI system.