Ang fashion show ay simula at pagbubukas para sa eksibisyon ng mga gawang sining ng mga Pilipino sa Sydney na nagtatampok ng iba pang mga katutubong sining at kulturang Pilipino, mga Pinoy na alagad ng sining at mga palabas na tatakbo hanggang sa buwan ng Nobyembre.
Malugod na tinanggap ng Deputy Director ng AGNSW at Direktor ng mga Koleksyon na si Maud Page ang mga panauhin habang kanyang opisyal na binuksan Filipino art exhibit sa Gallery.
At kinausap natin si Connie Atijon, pangunahing manghahabi ng lahat ng mga fashion dress ng ipinarada sa palabas kahapon.

Ilonggo weaver Connie Atijon (SBS Filipino/Annalyn Violata) Source: SBS Filipino/Annalyn Violata
Panoorin ang bideyo ng buong Habol Ilonggo Fashion Parade na ginanap sa Art Gallery of NSW.