Halos limang dekada ng musika ng 'Megastar' ng Pilipinas, swak sa pandinig ng ilang salinlahi ng mga Pilipino

The Philippines' "Megastar" continues to shine across generations over the last 4.5 decades.

The Philippines' "Megastar" continues to shine across generations over the last 4.5 decades. Credit: MENM Productions

Mula sa kanyang unang pinakapopular na kanta na 'Mr Dj' hanggang sa kanyang mga pinakabago, patok pa rin sa pandinig ng iba't ibang henerasyon ang mga awitin ng tinaguriang 'Megastar' ng Pilipinas na si Sharon Cuneta.


Key Points
  • Wala pa ring kupas ang mga awitin ng itinuturing na 'Megastar' ng Pilipinas.
  • Patuloy na mabili pa rin ang mga kanta ni Sharon Cuneta sa anumang henerasyon ng mga Pilipino.
  • Tunay na pinilahan ang kanyang pinakahuling mga concert sa ilang siyudad sa Australia.
Patuloy ang pagningning ng mga bituin para sa itinuturing na nag-iisang 'Megastar' sa industriya ng entertainment sa Pilipinas.

Sa kanyang higit 4.5 dekada bilang singer at aktres, si Sharon Cuneta ay isa sa pinakamatagumpay at may pinakamalaking kita sa showbusiness sa Pilipinas.

Ang kanyang mga awitin ay tunay na mabili pa rin sa maraming Pilipino anupamang edad sila kabilang.
Sharon Cuneta (holding a bouquet of flowers) was welcomed by members of the Filipino community in Sydney during her 'Love Sharon' concert in October.
Sharon Cuneta (holding a bouquet of flowers) was welcomed by members of the Filipino community in Sydney during her 'Love Sharon' concert in October.
Mula sa kanyang unang patok na kantang "Mr Dj", walang kupas pa rin ang boses ng itinuturing na Megastar ng Pilipinas.

At sa inaabangang concert ng Megastar nitong Oktubre sa ilang pangunahing siyudad sa Australia, matapos na-antala noong 2019 dahil Covid-19 pandemic, tunay namang maraming mga taga-hangad, lalo na 'yung mga tinatawag na "Sharonian" ang nag-abang at nanood sa singer/actress.
Sharon Cuneta with her solid fans in Sydney.
Fans were excited to finally meet again and watch their 'Megastar' Sharon Cuneta in one of her Australian concerts in Sydney in late October. Credit: MENM Productions
Itinuturing na isa sa pinakamatagumpay at may pinakamalaking kita sa entertainment industry sa Pilipinas, isang pangalan na sikat sa halos buong sambahayan at itinuturing na nag-iisang “Megastar” ng Pilipinas, ang katanyagan ni Sharon Cuneta ay nalampasan ang lahat ng pagsubok ng panahon sa higit apat at kalahating dekada nito sa industriya.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Halos limang dekada ng musika ng 'Megastar' ng Pilipinas, swak sa pandinig ng ilang salinlahi ng mga Pilipino | SBS Filipino