Key Points
- Sintomas ng Hay Fever ay ang runny nose, barado at kumakating mga ilong, naluluhang mga mata, at ang madalas na pagbahing. Apektado din nito sinuses, lalamunan at tenga.
- Allergen Immunotherapy at Hay Fever Botulinum Toxin Spray ilan sa mga opsyon na maaaring gamitin panglunas sa sintomas ng Hay Fever.
- Ang Allergic Rhinitis o Hay Fever ay maaaring may malaking epekto sa pagtulog, konsentrasyon, pag-aaral, pang-araw araw na gawain para naman sa mga bata ang pag-uugali at development ng mga bata
Ayon kay Dr Angelica Logarta-Scott isang General Practitioner at nagpakadalubhasa sa Aesthetic, Skin cancer at Dermoscopy Medicine, uso ngayong Spring o Tagsibol ang Hay Fever o mas kilalang Allergic Rhinitis na sanhi ng allergens sa paligid.

Dr Angelica Logarta-Scott is an Independent Doctor at Skin Integrity Skin & Cosmetic Clinic in Terrigal NSW and a General Practitioner at Kildare Road Medical Centre in Blacktown, Sydney. Source: Dr Angelica Logarta-Scott
"You may have an allergy either to pollen, grass, mould, or dust mites and your body is thinking these things are bad and foreign.
Automatically your body produces antibodies that cause the symptoms. The options are to have an antihistamine to stop the histamine release and help the symptoms and a corticose steroid nasal spray."
Sabi Dr Logarta-Scott, ngayong makabagong panahon marami ng gamot at proseso na maaaring subukan para bigyang lunas ang sintomas ng hay fever, tulad ng Allergen Immunotherapy at Hay fever Botulinum toxin spray.
Allergen Immunotherapy
Ang Allergen Immunotherapy ay isang proseso kung saan regular na ginagawa ang unti-unting pagbibigay at pagtaas ng dosis ng mga allergen extract sa loob ng mga taon. Isinasagawa ito sa mga pasyente sa pamamagitan ng injection o tableta, sprays o drops sa dila (sublingual).
"For instance, if someone has disturbing symptoms of hay fever, and hindi nare-relieve ng first-line symptomatic treatment then, we can have the option for allergen immunotherapy.
If someone has an allergy to a specific type of pollen, what it does is, introduce it slowly to your body so that it will be trained and later realise that the elementor allergen is not harmful. But these process takes years (3-5 years ) depende sa pagrespond ng katawan ng tao at kung anong type of allergen, paliwanag ni Dr Logarta-Scott.
Maaaring sasailalim sa allergen immunotherapy ang mga may edad 5 taong gulang pataas, subalit, depende ito sa rekomendasyon ng GP o doktor.
Bawal ang allergen immunotherapy sa:
- Buntis
- Malubhang sakit
- May history ng severe anaphylactic reaction
- Autoimmune diseases/ immunodeficiency syndrome
- Mentally unstable /severe anxiety
Hay fever Botulinum Toxin Spray
Sa pamamagitan ng Hay fever Botulinum Toxin spray o treatment hinaharang nito pagpadaloy ng mga signal patungo sa nerve passage sa ilong, nagti-trigger ng pagsisimula ng mga sintomas ng hay fever.
Ayon kay Dr Logarta-Scott indi lahat ng doktor ay maaaring magpatupad sa treatment na ito subalit ito ay isang ligtas paraan upang maiwasan ang mga sintomas ng hay fever sa mahabang panahon, nang hindi nangangailangan pag-inom ng maraming gamot o paggamit ng spray.
Dagdag nito madali at walang sakit ang ang proseso nito, dahil ginagamitan lang ito ng syringe o hiringgilya na walang karayom para ipasok ang kaunting dose ng Botulinum Toxin sa ilong ng pasyente.
"A low dose of Botulinum Toxin is sprayed through the nose and what it does, is it actually blocks the conduction of nerve signals in the nasal passage which triggers the onset of hay fever symptoms.
It works really well, it can last for 3-6 months enough time for you to get through the spring.
The single treatment can control 50 to 100 percent of the symptoms and I will start offering this treatment this spring."
Side effects ng Hay fever Botulinum Toxin spray
- Headache
- Posibleng rashes sa ilong
Maaaring sumailalim sa treatment ang mga may edad 8 taong gulang pataas.
Pahabol na payo ni Dr Angelica Logarta-Scott, huwag pabayaan ang mga sintomas ng Hay fever dahil baka lumala ito at makaka-apekto sa kalidad ng pamumuhay ng tao, maaari ding gumamit ng mask bilang proteksyon at pinakamahalaga, komunsulta sa doktor.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.